VOCO Pass. Isang klase ng pribilehiyo na ibinibigay sa sundalo upang makakauwi sa kanilang pamilya o pupunta sa isang lugar para isakatuparan ang mga personal na mga pangangailangan kagaya ng pag-ayos ng ATM card, pag-apply ng loan o pag-withdraw ng pera. Kalimitan ay 72-oras lamang (3days) ang naturang paalam na makaalis sa kampo. Dahil ito ay mataguriang informal leave na ibinibigay ng mga lider ng kumpanya o batalyon, ito ay verbal order of the Commanding Officer (V.O.C.O) at nakasanayang i-pronounce bilang Buko pass. Noong ako ay baguhan pa lang sa serbisyo, di ko to naintindihan dahil wala ito sa Philippine Military Academy. Ang magiting kong First Sergeant sa 7th Scout Ranger Company noong 1996 ang nagpaliwanag sa tunay na kahulugan nito.
Gamit:
"Sir, mag-buko pass lang ako sa Zamboanga City para mag-apply ng petty cash loan sa AFPSLAI."
No comments:
Post a Comment