Galing Fort Bonifacio, nakakagawian na ni Sgt Boloy na sumakay ng jeep papuntang Guadalupe kung saan sya nakatira.
Eksena sa Sarao jeep na kanyang sinakyan ay 'tikalan' (yabangan).
Ang pulis ang unang nagpa-abot ng kanyang pamasahe. Makinis, mabango at tigasing P100.00 ang inabot. "Manong, galing sa Gate 3. Sensya na walang barya, bagong sweldo sa amin eh."
Ayaw naman patalo ang isang mapormang mama at sinundan ang pulis. Mabango at matingkad na P500 ang pinasa. "Manong, sensya na. Walang ring barya, seaman ako eh. Kakapalit ko ng aking dollars sa Money Exchange".
Nakakunot noo na si drayber at tila wala na syang pambarya.
Ayaw magpatalo, nagpakitang gilas si Sgt Boloy. Dadagdagan ang problema ni manong drayber. Nag-abot ng kumakaluskos na tunog nyang P1,000 na bagong-bago pang labas at amoy imprenta pa.
"Manong, sensya na. Ako si Sgt Boloy. Galing akong AFPSLAI nag-loan!".
No comments:
Post a Comment