Sa mga liblib na lugar ay inaatasan ang mga sundalo na tumulong sa DEPED sa pagtuturo sa mga taong nangangailangan ng tulong upang makabasa at makasulat.
Iilan sa aming mga sundalo na college level ay tinuruan upang maging alternate teachers. Ang tawag namin dito ay Army Literacy Patrol System (ALPS).
Sa pinakasulok na lugar ng Lanao del Sur ay naitalaga si Sgt Boloy bilang sundalong titser. Karamihan sa mga 'pupils' nya ay mga binatilyo na. Isa dito ay si Ismail na mataguriang slow learner.
Isang araw, nagdadabog si Ismail.
"Ayaw ko nang pumasok sa Inglis na turo mo Sgt Boloy!", sabi nya.
"Bakit naman Ismail?, napadakali ng Inglis, jas layk iting pinats", yabang ni Sgt Boloy.
"Eh, paano, nakakalito at pare-parehas lang!", sabi nya na tila asar-talo ang mukha.
"Halimbawa, ang inglis ng tulay ay 'brid'. At sa tinapay ay 'brid'! ", reklamo ni Ismail.
"Idagdag mo pa dyan ang inglis ng tatlo ay 'tri'; ang sa kahoy ay 'tri'! Nakakalitoooooo!!!!"
No comments:
Post a Comment