Saturday, December 10, 2011

Boknoy the Radio Man

Biglang naituro si Pvt Boknoy na maging radio man ng isang Army unit dahil nagkasakit ang kanilang magaling na radio man.

Kahit na-'point system' ay pilit ni Pvt Boknoy na gampanan ang kanyang tungkulin. Naririnig nya na ang sinasabi sa radio pagkatapos ng transmission ay "Over".

Nagkasubuan na ng kanyang kaalaman sa tactical radio operations nang magkaroon ng link-up operations ang kanyang unit at ang isa pang Scout Ranger Company sa kagubatan ng Patikul, Sulu.

Seryoso si Pvt Boknoy na nakipag-usap sa radio man ng kabilang unit.

"Andito kami sa taas ng Luba Hill. Kayo, saan ang location ninyo, Over?", sabi ng operator sa kabilang linya.

Palingon-lingon si Pvt Boknoy. Nakita nyang nasa masukal na lugar na lanzonesan ang kinaroroonan nila. Daglian syang sumagot.

"Andito kami barangay Tanum. Nasa ilalim kami ng mga puno ng lanzones, Under!", sagot nya.

(Nabasag ang katahimikan dahil pinagtawanan ang kapalpakan ni Pvt Boknoy)

3 comments:

  1. hahahahahahahahha... grabe tawa ko hahahahaahah

    ReplyDelete
  2. Bro, ikaw ba naman ang nasailalim ng puno, diba "UNDER" :) ha! ha! ha!

    ReplyDelete
  3. and to add another real life scenario : newbie radioman when asked where their exact location during a clearing operation for a medical mission team, answered : "andito kmi sa ilalim ng punong mangga.."..bwahahahahha.. hq team listening in had a hearty laugh..daym!! hahahah...

    ReplyDelete