Monday, March 31, 2014

April Fools' Day Reception of the new PMA cadets: My personal experience

Ang April Fools' Day ay ang pinakaunang araw ng mga Plebo (1st year PMA cadets) na makaranas ng mga pahirap bilang kadete sa PMA. Kasama ko sa larawan si Cadet 2nd Class Nelson Aluad nang pinag-'double time' namin sa unang pagkakataon ang mga plebong sina Cadet Paras at Cadet Alvior ng PMA Class 1996. Itinataas namin ang aming mga kamay upang abutin ng kanilang tuhod bilang dagdag challenge na maabot ang mataas na 'standards' ng tinaguriang creme of the crop. (Photo by Lt Col Nelson Aluad)


Ang April Fools' Day (April 1) ay ang traditional na araw na kung saan ang normal na behavior ay ipinagbabawal. Ang ibig sabihin, ang mga 'kalokohan' at mga practical jokes ay authorized sa araw na ito. 
Ang tinatawag na Reception Day sa PMA ay itinataon din sa April Fools' Day marahil sa iyon ang araw na karamihan sa mga bagong recruits ay naiisahan kung ano ang ibig sabihin ng reception. 
Isa rin ako sa 'naisahan' dito dahil akala ko naman ay kainan ang reception at tipong may background music pang awit ni Luciano Pavarotti. Eh, kaloka nga naman ang 'Reception Ceremony' sa PMA di ba? Dito pala ay mananakit ang iyong buong katawan dahil sa samo't-saring ehersisyong iyong pagdaraanan sa unang pagkakataon. Dagdag pa riyan, maaaring maubos din ang iyong boses sa kasisigaw ng "Yesss suh!" at "No suh!" nang paulit-ulit. 
Secondclass cadet (3rd year) na ako noong naranasan ko naman ang maging kasapi sa mga tinatawag na Plebe Details na syang mag-receive sa mga bagong kadete na miyembro ng PMA 'Mabikas' Class of 1996. 
Kainitan ang hapon na iyon ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin nang kami ay nakaantabay sa pagdating ng mga bagong Plebo (1st year cadets) na aming 'patikimin' ng 'karinyo militar' sa unang pagkakataon. 
Sa mga usap-usapan namin noon, gusto naming 'makabawi' sa aming karanasang 'maisahan' sa Reception na akala namin ay bonggang kasayahan at naglipana ang masasarap na pagkain. 
"Tingnan natin sino ang hindi ma-drawing ang mukha sa pagkabigla at pagka-warshock sa unang salvo ng military training," sabi ng isang mistah.

"Makikita natin iyong mga tipong di na alam ano ang gagawin at maluha-luha sa maranasang mase-mase," sabi ng isa. 
Matatandaan kong memorized namin ang mga pangalan ng mga kadeteng aming i-receive sa araw na iyon. Ang ginagawa kasi ng mga Plebe Detail members ay isinisigaw ang last name ng mga kadeteng maging miyembro ng squad nila. 
Sa orientation pa lang kasi, sinasabi na sa amin na kami ay tatawagin sa aming family name kapag maging miyembro na ng militar lalo na sa mga Plebo. 
Minsan nga lang ay nagkakagulo rin sa Reception Day dahil dito. Halimbawa ay merong mga first name at last name na pwedeng magkapalit na nangyayari sa kagaya ng kadeteng lumilingon sa  pangalang Cadet Juan Melchor.
Sa example ni Cadet Melchor ay nagkamali ang tailor na gumawa ng uniporme nya. Instead na MELCHOR ang ilagay sa name patch eh JUAN ang inilagay. 
Sa pagsigaw ng kagaya kong team leader, syempre basahin namin ang name cloth sa dibdib ng 'war shock' na Plebo: "JUAAAAAAAAAAAAAAAAN!"
Syempre, lalong natulala ang plebo kasi ayaw itong mamansin. 
"Sanamagan, bakit ayaw mong mamansin hijo?"
Nanlaki ang mga mata sa takot sa tila multong nakita, sumagot ang plebo: "Sir, hindi ako si Juan! Ako si Melchor!" Patay kang bata ka. 
Kung memorable sa amin ang Reception Day bilang Plebo, ganon din ito ka-memorable sa hanay ng mga 2nd Class Cadets na syang 'magpalaki' at mag- mentor sa mga kadete sa unang pagkakataon. 
Pare-parehas kaming mamamaos sa kasisigaw sa organized chaos na idinadaos sa Borromeo Field, ang 'sacred ground' ng PMA para sa mga nag-kadete dito. 
Ang Reception Day ay ang isa sa mga memorable topic na pinag-uusapan maging ng matatandang retiradong Heneral kapag nagkikita sa kahit ano mang okasyon. 
Kung makakita ka ng mga sundalo na nagtatawanan sa isang sulok, malamang ay kasama sa usapan ang karanasan sa April Fools' Day.

Saturday, March 22, 2014

Tamang 'aktor' ni Kennedy (My Maguindanao Adventures Part 4)

Larawan ng Kennedy Jeep na kaparehas ng ginagamit ng 7th Scout Ranger Company sa Central Mindanao noong mid 90s. (Photo is obtained by the author)


Iilang oras, pagkatapos ng harrassment na ginawa ng MILF sa Tuayan detachment na aking tinitirhan, dahan-dahang nagsipagdatingan ang mga reinforcements mula sa 61st IB headquarters. 

Dalawang Simba armored vehicles ng Light Armored Brigade ang kasama sa dumating upang kami ay kampihan. Ang isa dito ay may tatak na Simunul at di ko ito makakalimutan dahil nagkandawindang ang pag-pronounce namin ng call sign nito sa gitna ng bakbakan na kung saan ay nababansagan itong "Sinupul". 

Di kami nakatulog sa buong magdamag. Abala kami ni Lt Ampong sa pag-reposition ng aming mga tao at pati 'cross loading' ng ammunitions. Syempre, yong mga ratratero, halos wala nang natirang bala. Kailangan namin silang bigyan ng rasyon ng bala. Para sa amin sa Rangers, nakakahiya na maubusan ng bala kasi ang rule sa firefight ay bawal mag-automatic fire. Puputok lang kami kung nakikita ang kalaban.

Kapag gabi ang firefight, sinusundan lang dapat namin ang key leaders at ang Gunners sa pamamagitan ng pagtingin sa direction ng kanilang tracer bullets. Dahil hindi uso ang tracer bullets para sa M16 Rifle, ang karaniwang dini-direct ng Patrol Leader ay ang gunner dahil may tracer rounds ang M59 linked ammo ng 7.62mm M60 E3 LMG na naka-issue sa amin.

Napansin ko sa labas ng aming kubo ay abala ang 60mm Mortar gunner ni Lt Ampong na nangangapa sa lupa. Inusisa ko kung ano ang pinagkakaabalahan nya.

"Sir, ingat sa paglalakad at may limang dud ammo na itinabi ko rito kanina. Ipunin ko ito at ibaon ko sa lupa bukas nang hindi makakadisgrasya," paliwanag nya sa akin. 

Problema nga naman iyon. May pagkukulang sila sa storage procedures ng bala. Kung kailan nasa gitna kami ng pitpitan, palpak na ang mga ito. 

Kumusta si Kennedy?

Nang nakausap ko na ang lahat kong mga tauhan, napag-alaman ko na okay naman ang lahat ng kanilang kalagayan. Tanging si Cpl Gaboy lang ang may problema. Palaging "ha?" ang sagot kapag nakakausap. Paano, napasarap sa pagpapaputok ng Barrett at umi-extra pa sa M1919 Browning Machinegun ng 61st IB!

Iisa na lang ang hindi ko mapagtanto kung kumusta nya. Ayaw nyang magsalita sa kinalagyan nya. Nanahimik lang sya pagkatapos ng natikmang gyera. Sino sya? Eh di si Kennedy! Yes, si Kennedy Jeep. Partly, nasa open terrain sya nang nagsimula ang firefight. Dahil naka-'light discipline' kami buong magdamag, kailangan kong antayin ang sikat ng araw para mapag-alaman ko ang kundisyon nya. Nagaya rin kaya sya sa kapangalan nyang si John Fitzgerald Kennedy na na-snipe sa Dallas, Texas? 

Nang lumiwanag na bandang 6:00am, ipinag-uutos namin ang pag-search sa enemy positions para matukoy kung me tinamaan sa kanila. 

Sumama ako para makita ko mismo ang encounter site. More or less 50 na kalaban ang nakadikit sa aming kampo. Maraming naiwan na mga empty shells sa kanilang mga posisyon. 

Mga tuso din talaga sila kasi lalo silang dumikit sa perimeter fence nang pinabomba namin sila ng artillery. Alam nila na ino-observe namin ang 'danger close'. Actually, hindi pwedeng pabagsakin ang 105mm high explosive rounds na kasing dikit ng 81mm HE, otherwise ay maghihilamos rin kami ng naglalakihang shrapnel. 

Merong maraming patak ng dugo ang aming nakita sa kanilang withdrawal route. Nagkagulo ang kanilang pag-atras. Ikaw ba naman ang paulanan ng bala at yanigin ng kanyon?

Then, inusisa ko ang ipinang-tira sa aking pwesto. Nagtaka ako bakit tumagos sa barricade at cover na nakapaligid sa kubo na aking pwesto. 

"Sir, ito ang nagligtas sa iyo," sabi ni Msg Cantil. Itinuturo nya ang sanga ng bayabas na kung saan ay sumabit na fin ng RPG round na itinira sa aking pwesto.


Larawan ng B40 Rocket Launcher at ang Rocket Propelled Grenade na karaniwang ginagamit ng tropa ng MILF sCentral Mindanao. (Photo is obtained by the author from the internet)


"Thank you bayabas!" 

Hinimas-himas ko ang kasing-laki sa aking braso na sanga na tila ay letter Y. Doon sumabit ang fin na syang nagpapatuwid sa lipad ng RPG. Dahil kay Haring Bayabas, kapiranggot na mga shrapnel ang tumagos at umabot sa aking pwesto na aking ikinasugat. 

Naniniwala talaga ako na kung di mo panahong mamatay, hindi ka mamamatay kahit inulan ka pa ng bala. Kung gusto na ni God, malamang, kahit nasa kutson ka pang higaan, matigok na na lang sa bangungot o heart attack!

So, isa na lang ang natira na dapat kong mausisa: Si Kennedy!

"Sir, nadaplisan si Kennedy," kamot sa ulo ang aking astig na driver na si Sgt Nelmida. 

Nakita ko, nasa bandang bubong ang tama, sa gilid ng frame nito. 

"Tamang aktor si Kennedy!"

Natuwa ako at hindi natamaan sa vital parts si Kennedy, na ikakaparalisa nito. Mahal pa naman magpaayos ng sasakyan sa Central Mindanao. Hindi ganon kadali ang magpa-release ng pondo. Kung masira si Kennedy, sigurado na mag-Cadillac ako. Wow, hanep no? Hoy, ka-dilakad at hindi yong astig na brand ng sasakyan!

Dahil ayos si Kennedy, napagsilbihan pa nya ako nang ako at si Cpl Gaboy ay nagpagamot sa isang ospital sa Tacurong, Sultan Kudarat.

(Ipagpatuloy)





Tuesday, March 18, 2014

How to join the Philippine Army: Common Questions and Answers





Sa totoo lang, sa hirap ng buhay ngayon, dumadami ang nakapag-isip na manilbihan na lang sa Armed Forces of the Philippines. 

Tumataas na rin ang sweldo ng mga sundalo at ang isang Private ay nakakatanggap pa ng mas mataas na take-home pay kaysa ibang naka-kurbata at amoy perfume na civilian employees sa Makati Business District.

Pero mga hijo at mga hija na gustong pumasok sa serbisyo, isipin nyo rin na hindi employment agency ang ating Sandatahang Lakas!

Ang sa akin lang naman, wag naman kayo tipong attitude na pang-bigas lang hanap nyo sa serbisyo. Take note ha, 'serbisyo' ito at hindi ordinaryong 'trabaho'. Magkaiba yon!

Mga katanungan

Nang nauso ang social media, naglilipana rin ang mga kabataang naghahanap ng mapagtanungan kung paano pumasok sa serbisyo kagaya sa Philippine Army. 

Nagsawa na ako sa kaka-advice na pasukin ang website ng Army Recruitment at maging ang sarili kong article tungkol sa usaping ito.

Anyway, pagbigyan ko kayo sa inyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsulat ng Q&A paano pumasok sa Army bilang enlisted personnel o kaya sa officer corps. Hango ito sa mismong publication ng Army Recruitment website. 

1. Sino ang qualified na pumasok sa Philippine Army?
   
  a. Para sa Enlisted Personnel:


  • Must have earned 72 units in college for both male and female. Magpakita ng Transcript of Records bilang patunay na ikaw ay nakatungtong sa kolehiyo. Hoy, mga pasaway, marami nang nahuli na kunwari nag-college. May paraan para mahuli ang mga pekeng dokumento. Baka sa kangkungan kayo pupulutin.
  • High school graduates should possess technical skill highly desirable for acceptance in the military service. Ang halimbawa dito ay kung ikaw ay marunong sa carpentry, pag-aayos ng sasakyan, isang driver (ng 4 wheeled vehicle at hindi ng motorcycle),  bilang auto mechanic at lalo na kung mekaniko ka ng eroplano! 
  • Must pass the Philippine Army Aptitude Test Battery (PAATB) with a minimum score of 80
  • At least 18 but not more than 26 years of age at the time of appointment. Pasaway, wag ka nang magluluhod para humingi ng age waiver o kaya mandaya sa pamamagitan ng pagpagawa ng birth certificate sa Recto! Bulok na yan!
  • 5' for both male and female. Take note sa mga pasaway, Male or Female lang!
  • Physically and Mentally fit. Di pwede yong walang ngipin, may kapansanan at lalo na yong wala sa katinuan ang pag-iisip! 
  • Single and has no child
  • No pending case in any court



b. Para naman sa mga pumasok sa pagiging Officers, basahin ang nakasulat sa tarpaulin. Ayos?





***Kung sa palagay mo, okay ka sa lahat ng requirements, pumunta ka sa examination center kagaya sa Army Recruitment Center sa Fort Bonifacio para sa pre-screening ng mga aplikante. Kung pasado ka sa pre-screening, papayagan kang mag-exam sa PAATB. Kapag pasado ka sa PAATB, maghanda ka para sa gagawing  Physical Fitness Test. Kapag pasado uli, maghanda sa gagawing interviews at dalhin ang mga kaukulang dokumento na nakalagay sa sampung folders. 


2. Ano yong PAATB at ano ang requirements nito? Ang PAATB ay acronym ng Philippine Army Aptitude Test Battery. Sa mga pilosopo, hindi yan Eveready battery kundi isang entrance exams. Kayang-kaya ng mga high-school 'graduation' ang exam na iyan. By the way, ito ang larawan na nagpapakita sa mga requirements. Kopyahin nyo na lang. 




3. Saan ang mga testing centers ng PAATB? Tatlo ang Army Recruitment Centers sa Pilipinas at ito ay ang sumusunod:

      a.  Army Recruitment Center (Main Office)
            Fort Andres Bonifacio, Taguig City
            Landline: (02) 845-9555 local 6843
            Cell phone: 0921-9785548

      b.  Army Recruitment Center for Visayas

            Camp Lapu-lapu, Lahug, Cebu City
            Landline: (032) 231-5157

       c.  Army Recruitment Center for Mindanao

             Camp Evangelista, Cagayan de Oro City
             Landline: (088) 350-2088


Note: Merong pagkakataon na nagpapadala ang Philippine Army ng Mobile Team para magpapa-exam sa iba't-ibang probinsya na may kampo ng Army Infantry Division. Isang halimbawa nito ay sa Pili, Camarines Sur at sa Legaspi City. Mas maiging i-monitor ito sa OG1 ng Division o kaya abangan sa kanilang mga advisories sa FB account ng unit o kaya sa mga programa sa radyo.

4. Ano ang schedule ng Exams? Ano ang initial requirements? Depende yan sa Army Recruitment Center. Mas maiging kontakin ang mga opisinang ito at ipagtanong ang pinaka-schedule nila ng exams. 




Sa exam center, sumunod ka sa pila at wag makipag-unahan at baka ma-churvah kaagad kayo ni Sarge. Mag-antay lang at wag mag-iingay sa kaka-chikka sa mga kasama. Take note sa suot ng mga aplikante ha. Kapag aplikante ay dapat nakasuot ng pantalon, sapatos at nakaputing t-shirt. Kung mukha kang bandido o taong grasa, baka pauwiin ka ni Sarge!


Dapat kumpleto ang initial requirements bago magpa-register sa exams. Bibigyan ka ni Sarge ng schedule ng exam. Wag kang pawala-wala sa nakatakdang araw ng exam. 



5.  Saan i-post ang results ng mga pasado sa exams? Depende ito sa kung saan ka nag-exam. Halimbawa, kung sa Fort Bonifacio, maaring sa ARC na mismo. Kung sa mga field units, maaari itong i-publish sa Infantry Divisions. Kalimitan ay nilalagay din ito sa FB at maging sa bulletin board ng kampo.



6.  Saan at iilan ang quota sa 2014? Ito ang listahan ng quota para sa taong 2014 na kinuhanan ko ng picture. Kita mo, aabot sa 2,700 ang mapalad na mapahanay sa Army sa taong ito. Tingnan mo ang convening date at kung ilan ang quota at saan gaganapin ang training. Ang ibig sabihin ng DTS ay Division Training School. Kung saan ka malapit, doon ka pumunta. Syempre, kung pasado ka lang sa PAATB, saka ka pwedeng sumalang dito!



7.  Paano maghanda para sa Candidate Soldier Course? Kung pasado ka na sa lahat ng requirements kagaya ng mga dokumento, mas magandang mag-praktis ka rin kapag may time. Mag-jogging ng minimum 5 kilometro, magpalakas ng upper body at abdomen para maipasa ang Physical Fitness Test. Kung malakas ka, mas lamang ka doon sa ibang aplikante. 

8.  Ano ang pwedeng skills na pwedeng magbigay sayo ng lamang sa ibang aplikante? Kung ikaw ay may kakaiba at kapaki-pakinabang na skills, maaari kang makalamang sa iyong mga kasamahan. Syempre, naghahanap din kami ng skilled na mason, karpintero, electrician, computer operator, driver, mekaniko at iba pa. Hoy Boloy, hindi competitive edge ang pagiging driver ng motor! Ito pa, kung ikaw ay radio broadcaster, writer at tipong marunong ng web design at paggawa ng mga powerpoint presentations, malamang i-priority ka. 


Sa Army, pwede kang maging mandirigma at tagapagtanggol ng mamamayan. 

Pwede ka ring maging tanyag na atleta kagaya ng mga kampeong miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team at ng Pinoy Dragon Warriors. 

Pwede ka ring 'traffic attendant' ng mga helicopter at eroplano! Astig no?

Pwede ka ring maging peacekeeper sa United Nations sa magugulong lugar sa Africa! (Photo below is obtained by the author from AFP files)

Kung sa palagay mo ay type mo ang maging sundalo, subukan mo!   



Sunday, March 16, 2014

The current PMA Honor System




Sa wakas, pwede ko nang ilahad ang kapiraso ng puzzle na makapagpaliwanag sa katanungang bumabagabag sa isipan ng marami nating kababayan: Ano yong akusasyong "irregularity" dahil sa nabagong boto ng Honor Committee na kung saan ay galing 8-1 (Guilty vs. Not Guilty) ay naging 9-0?

Maging ako mismo ay naguguluhan paano nangyaring merong tinatawag na 'chambering' sa Honor Committee trial. 

Ang 'chambering' o executive session kapag may dissenting vote ay hindi parte sa procedures noong aming kapanahunan na kung saan ay minsanan lang ang secret balloting at kung ano ang resulta, tapos na. 

Sa aking nabanggit sa naunang artikulo, nagkaroon ng mga pagbabago sa Honor System pagkatapos ng pag-aaral ng PMA tungkol sa naaakmang procedures na angkop sa kasalukuyang panahon. Hindi naman ito nakapagtataka kasi maging sa United States Military Academy ay nagkaroon din silang mga pagbabago hanggang ma-establish nila ang kasalukuyang sistema ng pagpairal ng mahigpit na panuntunan ng Cadet Honor Code. 

Tanggapin na lang din natin na kailangan din ng PMA ng mga positive changes na naaayon sa pangangailangan ng panahon at ang layunin ng lahat ng ito ay upang maipagpapatuloy ang main purpose nito na mag-produce ng leaders of character na maninindigang gawin ang tama sa lahat ng panahon. 

The current Honor System

Merong malaking pagbabago ang nangyari sa Honor System sa PMA. 

Unang-una, tinanggal ang dati nang nakagawian na 'ostracization' na kung saan ay ang kadeteng pinili ang mag-stay sa Cadet Corps pagkatapos na mahatulan ng Guilty verdict ay binibigyan ng 'cold treatment' ng lahat ng mga kadete. Kapalit naman nito ay marami ang sinubukang sistema kagaya ng 'Remediation' na kung saan ay binibigyan lamang ng touring punishments at re-indoctrination ang mga offenders at hinahayaan silang mag-rejoin sa academy. 

For some reasons or another, nagkaroon din sila ng problema dito at kaya naman napagpasyahan na gawin uling Separation from the Academy ang hatol para sa mga mahatulang guilty sa Honor Committee trial. 

Nagkaroon din ng malaking pagbabago sa sistema ng Honor Committee trial. 

Ayon sa parte ng panayam kay  Colonel Rozzano Briguez, ang Commandant of Cadets, sa Philippine Daily Inquirer, "The procedure agreed upon by all cadets that is followed by the Honor Committee is that in a 7-2 or 8-1 vote, the committee members will go into a jury type executive session termed chambering.”

Dagdag pa ni Col. Briguez: “It is like an additional explanation where all of them would go to the ante room and discuss what are the reasons why they voted guilty or not guilty. This has been their procedure since they started fourth-class year until first year and everybody accepted it conscientiously.”

Ayon sa isang junior officer na dating miyembro ng Honor Committee, walang sapilitan sa isusulat sa secret ballot pagkatapos ng naturang executive session. 

"Pinag-uusapan lamang doon ang mga punto na pwedeng gamitin sa desisyon sa pag-sulat ng final vote na syang pamantayan sa decision ng Committee. May pagkakataon pa nga na naging 7-2 pagkatapos ng chambering at ito ay nirerespeto ng Honor Committee."

Dagdag pa ng naturang opisyal, kapag sa initial voting ay 6-3 (Guilty vs Not Guilty), hindi na kailangan ng 'chambering' ayon sa kasunduan sa kasalukuyang Honor System. 


Tabuada vs Lagura: Who lied?

Ayon sa statement ni Commander Junjie Tabuada, sinabi diumano ni Cadet John Lagura na isa sa miyembro ng Honor Committee member na "pinilit" sya para baguhin ang boto. 

Ito ang parte sa kanyang affidavit na nalathala sa article ng rappler.com:

"When he was about to leave I called him, 'Lags, halika muna dito,' and he approached me and I let him sit down in the chair in front of my table. I told and asked him, 'Talagang nadali si Cudia ah…..ano ba ang nangyari? Mag-tagalog or mag-Bisaya ka?' He replied, 'Talagang NOT GUILTY ang vote ko sa kanya sir,' and I asked him, 'oh, bakit naging guilty di ba pag may isang nag NOT GUILTY, abswelto na?' He replied 'Chinamber ako sir, bale pinapa-justify kung bakit NOT GUILTY vote ko, at na-pressure din ako sir kaya binago ko, sir.' So, I told him, 'sayang sya, matalino at mabait pa naman'and he replied 'oo nga sir.' After that conversation, I let him go.” (I asked him about what happened to Cudia. He said I voted not guilty, sir. I asked, but if you voted not guilty, shouldn't he been acquitted then? He replied: I was put in chambers and was asked to justify my not guilty vote. I was pressured to change my vote, which was what I did, sir.)" 


Sa imbestigasyong ginawa ng Commission of Human Rights ay nag-deny si Cadet Lagura na 'pinilit' syang baguhin ang kanyang boto. 

Hinggil sa naturang usapin, ito naman ay inilahad ni Col. Briguez sa kanyang panayam:

“According to the cadet, it was his own voluntary volition (sic) to change his vote from not guilty to guilty after he heard the explanation of the other members of the voting members of the Honor Committee.” 

Dito na ngayon nagkakaproblema, sino sa kanilang dalawa ang palpak sa ibinigay na statement? (Tabuada vs Lagura)

Ayon kay Col Briguez, si Commander Tabuada ay paiimbestigahan tungkol sa kanyang alegasyon. 

Mga katanungan

Kahit ano pa man ang mangyayari sa imbestigasyon ng PMA tungkol sa affidavit ni Commander Tabuada, meron pa ring natitirang tanong na dapat mahalukay:

1. Sino ang miyembro ng Honor Committee ang nagsiwalat ng mga sensitibong dokumento sa media? Sila lamang ang may access sa naturang documents kagaya ng Affidavits, Delinquency Reports, Honor Report at ang Written Appeals ni Cudia. Gusto mong sabihin Ms Avee Cudia?

2. Sa tinagal-tagal ba ni Cudia sa PMA at bilang isa sa mautak sa klase, talaga bang hindi nya alam na may sistemang 'Chambering' o 'Executive Session'?

3. Sino ang nagsabi kay Ms Avee Cudia sa mga half-truths tungkol sa 'Executive Session'? Ang naturang trial ay para lamang sa mga kadete at never na isinasapubliko dahil sa ayaw ng PMA na mapahiya ang akusado. May dagdag-bawas ang kanyang impormasyon, as expected.

Conclusion

Para sa akin, paninindigan ko rin ang aking paniniwala na si Cadet Aldrin Cudia ay nagkasala ng 'Lying' sa Honor Code. 

Ako rin ay naniniwala na ginawa ng Honor Committee ang tamang proseso ayon sa kasalukuyang alituntunin ng Honor System na syang gabay sa ginawang trial kay Cudia. 

Kung ang kasalukuyang Honor System ay hindi naaayon sa Constitution at kung nalabag ang mga karapatan ni Cudia, ang naturang usapin ay mas mabuting i-resolba ng Supreme Court na syang final arbiter sa mga usaping may kinalaman sa batas. 

Ang pinakaimportante sa lahat, dapat ding tandaan na ang Honor System ay para lamang sa kadete ngunit ang Honor Code ay dapat naming isapuso at panindigan sa panahong sumali na ang mga bagong opisyal sa Armed Forces of the Philippines. 


Kung ikaw ay honorable o hindi, sa panahong makasalamuha mo na ang mga iilang tiwali at pasiga-siga na mga makapangyarihang mga nilalang, doon magkakasubukan at magkakaalaman. 


Mahirap ang laban pero kapag mag-sama sama tayo na gumawa ng tama, kayang-kaya nating bigyan ng pag-asa ang ating bansa. 


Wednesday, March 12, 2014

Why Cadet Jeff Aldrin Cudia couldn't graduate from PMA: My personal thoughts (again)



Parang 'heaven' ang pakiramdam kapag inaabot ng Presidente ng Pilipinas ang pinakaaantay na diploma na syang patunay na natapos mo ang napakahirap na cadetship sa Philippine Military Academy. (Photo by Richard Balonglong/PDI)



When it was officially announced that Cadet Jeff Aldrin Cudia could not join the graduation ceremony on March 16, I read more fiery comments from honorable citizens around the world. Ang problema sa iba, di talaga nila alam ang pinagsasabi nila. Basta makasawsaw lang sa comments, ayos na!

Naiintindihan ko ang iba na naaawa sa kalagayan ni Cadet Cudia lalo na yong nakakapanood sa umiiyak nyang kapatid at tatay. Ang pangyayaring ito ay maihalintulad ko sa islang nawasak ng bagyong si Yolanda. Masakit sa kalooban yon

Eh kasi naman, para sa mga nagpakahirap na mag-kadete sa Philippine Military Academy, ang makasali sa graduation rites ay ang pinakatuktok ng tagumpay na dapat maabot. 

Napaka-glamorous kasi ang naturang okasyon na punong-puno ng military customs and traditions. 

Andyan ang President at Commander-in-Chief na syang mag-abot ng iyong diploma. Syempre, kung matalino ka ay may bonus ka pang mga medal o kaya saber mula sa mismong Presidente o kaya sa pinuno ng tatlong branches of service ng Armed Forces of the Philippines. 





Makikita sa larawan ang kwento kung bakit napakasarap na mapasama sa isang graduation ceremony sa Philippine Military Academy. (Photos are obtained by the author)

Of course, andyan din yong avid fans mo mula sa iyong family circle na tipong tinitilian ka kapag tinawag ang iyong pangalan. May nagpapatunog ng trumpeta, whistle at nagpapalagabog ng drum. Ang iba nga ay hinihimatay pa sa sobrang tuwa sa mismong okasyon ng graduation. Syempre, minsan-minsan lang yong pakiramdam mo na tila ikaw ay isang 'rock star'. 

Para sa akin, ang pinakaimportante sa lahat ay ang sarap ng pakiramdam na manilbihan sa ating bayan bilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines. 

Sa aktwal na paninilbihan sa bayan mo kasi maramdaman ang kakaibang saya kapag nakakatulong sa kapwa lalo na sa mga lugar na napagkakaitan ng serbisyo publiko. 

Para sa mga kaanak lalo na sa mga magulang, pride din nila ang magkaroon ng kapamilya na nasa public service. Kaya nga, naiintindihan ko kung bakit ganon na lang pakikipaglaban ng mga kaanak ni Cadet Cudia at mga kaibigan niya para lamang siya ay mapa-graduate. Alam ko ang kanilang nararamdaman. 

Ang tanong, bakit hindi sya naka-graduate? Sino ang unang may pasya noon? Let us find out. 

Unanswered questions

Nag-research din akong maigi sa kanyang kaso at inungkat ko ang circumstances nito bago ko ito isinulat sa nauna kong artikulo tungkol sa Honor Code. (Paki-click ang link para makita kung bakit ganito ang aking pananaw at maging sa libo-libong mga PMA graduates)

Sorry sa mga kakampi nya, pero hindi mababago ang aking paniniwala na talagang nagsisinungaling si Cadet Aldrin Cudia, ayon don sa nagkawindang-windang nyang mga statements sa delinquency report explanation at maging sa kanyang written appeal na makikita dito sa report ng media. (Paki-click ang link na ito http://www.rappler.com/nation/51467-cadet-cudia-appeal para makita ang mismong dokumento ng kanyang paliwanag)

Sa nababasa natin ngayon at sa mga pahayag ng mga kaanak sa media, ang kanilang question ay sa isyung 8-1 vote (8 Guilty at 1 Not Guilty) ng Honor Committee. Ito naman ang nakasaad diumano sa affidavit ni Commander Junjie Tabuada na kung saan ay nakausap diumano nya si Honor Com member na si Cadet Lagura na syang nag-claim na bumoto ng 'Not Guilty'.

Ayon kasi sa nakagawiang rules and procedures sa Honor System, dapat unanimous vote ang desisyon para mahatulan ng guilty ang akusado. (Di ko sure kung binago ito)

Sa kasong 'Lying'  ni Cadet Cudia, sya ay mapawalang-sala kung totoo na may isang miyembro na naniniwalang hindi talaga sya nagsisinungaling. Si Cadet Lagura na mismo ang makapagpaliwanag nito kung totoo ang kanyang sinasabi na bumoto sya 'Not Guilty' at kung bakit ganon ang kanyang pananaw?

Kung totoo man iyon na si Cadet Lagura ay naniniwalang truthful si Cadet Cudia, ang tanong ko sa kanya ay ganito: Anyare? As an Honor Com member, don't you distinguish palusot and 'the truth and nothing but the truth'? Well, rest assured that I will respect his own opinion.

Ang ganang akin lang, kilitiin ko rin ang isipan ng sino man na kung truthful si Cudia, eh paano pala yong mga kasama nyang late na umamin sa kasalanan? Dapat pala, sila na lang isinalang sa Honor Committee trial? Esep-esep din siguro ang iba na gustong balewalain ang kasinungalingan ni Cudia. (Ibang usapin yon sa isyung me Honor Com member na pinilit bumoto ng Guilty)

Anyway, kung susuriin nating mabuti ang narrative of events, hindi naman talaga si Cadet Cudia mismo ang nagrereklamo at ang naghayag na 8-1 diumano ang naging botohan, kundi ang kanyang kapatid na si Avee na nag-post nito sa kanyang Facebook status.

Kung totoo yong kanilang paratang, eh di dapat pinangalanan nya  agad at nang mapanindigan ng sinasabing lone dissenter (Not Guilty vote) ang kanyang claim na 'pinilit diumano syang baguhin ang kanyang boto'. Easy sana di ba?  

Bakit nga pala ayaw nilang sabihin agad sino ang bumoto ng 'Not Guilty'? Siguro, natakot sila mapangalanan sa dahilang magkaalaman kung sino sya at maraming kadete at mga PMAers kagaya ko ang mag-question paano nya nasabing si Cadet Cudia ay truthful sa kanyang mga statements! Maliban pa doon, isang grave offense ang maglahad ng court proceedings sa publiko at malilintikan sa Conduct iyong mapatunayang lumabag dito

Pero, kung totoo na meron ngang bumoto ng 'Not Guilty' at pinilit din lang na baguhin ang kanyang boto para maging 'Unanimous Decision', malamang ay dapat magkaliwanagan tungkol sa usaping iyan. 

Sa mga naglitawang rumors at half-truths, dumami pa tuloy ang mga katanungang umusbong. Kasama ang mga sumusunod na  mga tanong na hindi pa nasasagot:

1. Totoo ba na pinilit si Cadet Lagura na bumoto ng "Guilty"?

2. Nakasaad ba sa kasalukuyang Honor System rules and procedures na  magkaroon ng 'chambering' para sa  bumoto ng 'Not Guilty'?

Honor Code and Honor System

Let me share sa isa pang katotohanan dyan: Ang konsepto ng Honor Code ay hindi nababago, ngunit ang Honor System ay merong mga adjustments (halimbawa sa sistema ng pag-ostracize ng offender).

Simula noong 'nineteen forgotten', parehas iyang itinuturo sa amin na:"We the cadets do not lie, cheat, steal nor tolerate among us those who do".

Sa Honor System o ang sistema sa pagpapairal ng Honor Code, merong mga pag-aaral paano ito gawing most responsive sa leadership training ng mga kadete. May mga pagbabago na sinubukang ipasunod sa ibang mga younger PMA classes na sumunod sa amin. 

Halimbawa, merong mga panahon na ginawa na lang itong kagaya ng Class 1 Offense sa Conduct. Ang ibig sabihin, kung nahuli kang nagsinungaling, nandaya sa exam o nagnakaw ng gamit, mag-serve ka lang ng punishments kagaya ng 'touring'. 

Sa ganong sistema, merong pagkakataong mag-reform ang mga offenders at sila rin ay may pagkakataon na bumalik sa cadet corps.  

Isa diumano sa halimbawa ng Honor Violator na nabigyan lang ng punishment tours at hinayaang maka-graduate ay ang nahuling nang-clone ng ATM cards na si LtJg Raphael Marcial na miyembro ng PMA 2008. 

Ayon sa isang underclassman na aking nakausap, nagkaroon ng problema sa ganoong changes sa Honor System. Hindi kampante ang mga kadete sa ibang mga offenders na nakakasama nilang muli. 

"Sir, mahirap ibalik ang trust sa mistah na nagnakaw ng pera mo sa kwarto. Dahil may magnanakaw na kadete na nasa barracks, ini-lock namin lagi ang aming mga kagamitan. Nawawala yong kaugalian na open lahat ng gamit at confident ka na never itong maglaho kahit isang buwan ka pang wala sa kwarto," paliwanag nya. 

May tama rin si Dumbguard na nakausap ko. Dagdag pa doon, mawawala na ang credibility ng offender na mamuno ng mga underclass.  

Sa PMA kasi, ina-announce sa publication ang mga kadete na may award at ganon din syempre kapag may punishments. Ito ay parte sa public announcements na ginagawa ng Brigade Adjutant sa kalagitnaan ng noon mess.

Mantakin mo ba naman na i-announce ni 'Bow Wow' (Adjutant) sa mess hall ang ganito:

"For having committed Class 1 Offense, i.e. Stealing the underwear of his classmate on or about 01 2200H December 2005, Cadet 1st Class Bagito Sanamagan is meted 51 demerits, 181 punishment tours and 181 days confinement."

Kakahiya di ba? Yuck, kadiri!  Halimbawa lang iyon na may nahuli na nagnakaw ng panty ng mistah na babae ha.  

Oo nga naman di ba? Sanamasita yan, di bale nang mag-serve ng Class 1 Offense dahil sa kasalanang "Drinking liquor after taps" kaysa Honor Code violation!

Siguro, ito ay isa sa dahilan kung bakit ibinalik 1-2 taon pa lang nakalipas ang nakagawiang rules and procedures sa Honor System.

Sa ngayon, di ko rin alam ano ang naging changes sa Honor System. Unanimous vote pa rin? Meron bang 'chambering' para ipagpaliwanag ang hindi bumoto ng guilty sa kanilang piniling boto? 

Now, kung ang patakaran sa Honor System ay 'Unanimous Vote', then so be it! Simple lang naman din yon, kung may isang hindi bumoto, ACQUITTED agad si Cadet Aldrin Cudia. 

Samantala, kung allowed ang 'chambering' sa kasalukuyang Honor System, then walang problema kung bakit binago yong boto ni Cadet Lagura as he claimed. (Again, hindi rin natin alam ano ang nilalaman ng kasalukuyang rules and procedures ng Honor System ng PMA.)

Bakit di sya maka-graduate?

Maraming nagsasabi na 'fighter' daw si Cudia dahil ipinaglalaban nya ang kanyang karapatan at ang nakikita nyang tama. Well, kung 'fighter' nga sya, bakit di sya bumalik sa corps of cadets?

Kung ako si Cudia at napag-alaman ko beyond reasonable doubt na hindi dapat ako mahatulan ng 'Guilty' ayon sa alleged 8-1 result, ipaglaban ko ito kahit ikamatay ko pa yong aking desisyon. 

Ang isa sana nyang option ay harapin ang consequences ng pagiging ostracized, kung talagang sigurado syang nagka-lokohan sa Honor Committee trial. 

Sa totoo lang, voluntary naman ang pag-resign sa PMA cadetship kung mahatulan ng Guilty sa Honor Committee, at pwedeng deadmahin lang nya ang cold treatment ng mga mistah nya at mga underclass cadets. 

Let me cite an example an Honor Code violator who belonged to PMA Class of 1978. Ayon sa aking kaklase sa Masteral Program na miyembro ng naturang klase, secondclass cadet (3rd year) ng mahatulan ang mistah nya. Dahil gustong maka-graduate, tiniis nya ang dalawang taon na pagiging 'ostracized'. Nag-iisa sya sa kanyang kwarto at walang kumakausap sa kanya. Sa kalagayan nya na iyon, astig sya dahil naka-graduate din. Ngunit, ang problema ay 'ostracized' pa rin sya nang sumali sya sa Philippine Navy. Pati mga enlisted personnel ay hindi namamansin sa kanya. Don na lang nya na-realize na dapat ay mag-resign na lang sya. 

Now, kung tiniis lang ni Cadet Cudia ang 'cold treatment' na less than 3 months before graduation, makakatapos din sya. Kung ginawa nya yon, sana di na tayo umabot sa thrilling question: Can Cadet Cudia make it to graduation?

Ooops, balikan natin ang mga kaganapan. Hindi sya nag-rejoin sa cadet corps, samantalang pwede naman sana. Hindi rin sya ang nagrereklamo sa social media tungkol sa kanyang problema. Hindi rin sya ang nang-aakusa sa Honor Committee ng pambabastos sa Honor Code sa pamamagitan ng 'pagbago' diumano ng boto. Hindi rin naman sya nagsasalita hanggang sa ngayon kung ano ang saloobin nya. Hindi rin sya nakapag-submit agad ng written appeal na kung saan ay binigyan sya ng pagkakataon hanggang March 4. 

Sa aking palagay, alam nya na wala talagang patutunguhan ang 'pasabog' ng kanyang kapatid sa social media. Aminado sya na huli sya sa kanyang nagkanda-lukot lukot na paliwanag para makalusot. 

Sa tanong bakit di sya maka-graduate, sya rin mismo ang dahilan. 
Kung nag-pasya syang mag-rejoin sa cadet corps pagkatapos mahatulan ng 'Guilty', dapat maka-graduate talaga sya sa March 16, regardless kung 'ghost cadet' ang turing sa kanya. Klaro na?

Conclusion

Pero, para magkaliwanagan din tayo, ito naman ang aking posisyon sa allegation against the Honor Committee: Kung totoo na pinilit na baguhin yong boto ng isang Honor Committee Member, dapat abswelto si Cadet Aldrin Cudia, ayon sa procedures ng Honor System na kanilang sinusunod. 

Sa kabilang dako, I have to admit, di ko rin alam ano ang kasalukuyang rules and procedures sa Honor System. Ayaw ko rin silang husgahan hangga't hindi ko alam ang kanilang 'side of the story'.

Sana,  one of these days, magkaalaman din sa katotohanan tungkol sa akusasyon laban sa Honor Committee. 

Again, uulitin ko ang aking paniniwala ayon sa circumstances ng kaso ni Cadet Aldrin Cudia: Palusot ang ginawa mo Dong, kaya ikaw ay guilty sa pagkakasalang Lying.

Fast forward lang, halimbawa ay sampolan ako ni Lt Junior Grade Aldrin Cudia ng 'palusot' na statement kapag magkasama kami sa trabaho, 100% mamalasin sya sa akin.  "Don't lie to me sanamagan!"


Para sa akin, magkakaalaman kung sino ang tunay na maninindigan sa natutunang Honor Code kapag ang isang PMAer ay nasa serbisyo na. 

Dito sa 'real world' ang tunay na hamon paano kaming mga PMA graduates ay maging parte sa solusyon sa napakalaking problema tungkol sa graft and corruption. 

Well, sa kanyang talumpati sa graduation rites sa PMA noong 2012, nananawagan si Presidente Aquino na labanan ng mga newly commissioned officers ang kurapsyon. Dapat ipakita namin yon sa mga sarili naming opisina na meron pa kaming tinatalimang Honor Code! 

Sa active military service namin ipakita ang mahigpit na ipinasapuso na konsepto ng integrity sa PMA. Dito yan magkasukatan kung may hawak na kaming makapangyahirang posisyon, at pinagkatiwalaan ng resources ng pamahalaan. Kapag nasa serbisyo na kasi, hahanapan kami ng taumbayan ng  Courage, Integrity at Loyalty. Mahirap man itong gawin, nararapat lang na ito ay paninindigan.

Ganon pa man, naniniwala ako sa kasabihang, "Veritas Vincit" (Truth Conquers).