Pages

Monday, June 12, 2017

Walang Iwanan hanggang kamatayan: Ang mandirigma ng 5th Mechanized Infantry Battalion



Si 1st Lt Jerry Alvarez ng 5th Mechanized Infantry Battalion ay nagpakita ng kabayanihan pagkatapos na maipit sa sagupaan na kung saan ay nabalahaw ang armored vehicles na tinamaan ng anti-armor high explosive rounds. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)

Minsan, ang tinaguriang bayani ay bigla na lang lumulutang sa panahon ng kagipitan na kinasasadlakan. Ito ang kwento ni 1st Lt Jerry Alvarez, 37, tubong Bayambang, Pangasinan at opisyal ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Sya ay naatasang sagipin si 1st Lt John Carl Morales ng 49th Infantry Battalion, na nasugatan sa labanan kontra Maute Group noong ika-23 ng Mayo 2017.

Si 1st Lt John Carl Morales ang Commanding Officer ng Bravo Company, 49th Infantry Battalion na nasugatan sa sagupaan kontra teroristang Maute Group noong ika-23 ng Mayo 2017. Si 1st Lt Alvarez ang naatasan na sagipin ang nasabing opisyal para madala ito sa ospital. (49IB photo)

Mag-alas onse na noon ng gabi ng sya at nabigyan ng isang mahirap na misyon. “Sunduin mo si Lt Morales sa casualty collection point para madala sa ospital. Malubha ang kanyang kalagayan,” sabi ng Operations Officer.

Sa hapon na iyon ay na-monitor nya ang impormasyon na naglabasan ang mga armadong grupo sa mismong syudad at inokupa nito ang mga matataas na buildings. Ang mga Maute ay namataang may bitbit na scoped rifles, rocket-propelled grenades, at machineguns.

Sa kinakaharap na armadong pwersa at sa urban terrain na control nito, alam nya na kulang ang kanyang tropa na lulan sa dalawang armored vehicles, and Commando V150 at Simba (SFV).

Naalala nya ang kanyang pamilya, ang kanyang dalawang mga anak na sina Angie, 11, at Alex, 6. Naiintindihan din nya na merong pamilya na nag-aantay kay Lt Morales kaya kailangang masagip sya sa tiyak na kapahamakan. Dahil dito, naging sentro sa kanyang isipan ang tulungan si Lt Morales kahit alam nya na makikipagsugal din sya kay Kamatayan.

Binigyan nya ng detalyadong mission briefing ang kanyang mga kasamahan, at tinalakay nila ang contingency plans. Taimtim silang nanalangin at nilisan ang kampo dakong alas-onse ng gabing iyon.

Mainit na pagsalubong

Lulan ng isang Commando Vehicle at Simba Vehicle, tinahak nila ang kalsada patungo sa Marawi City. Tinatawid nila ang Banggolo bridge nang pinaulanan sila ng automatic fires at pinaputukan ng rocket propelled grenades. Sa lagabog at kalansing ng mga punglo na tumatama sa kanyang sasakyan, nanariwa sa kanya ang kanyang baptism of fire sa Butig, Lanao del Sur iilang taon lang ang lumipas.

“Return fire!”.  “Bypass!” Isinigaw nya ang kanyang commands at ipinaabot din ito sa sumusunod na vehicle sa pamamagitan ng tactical radio. Habang umusad sila papunta sa syudad ng Marawi, iilang improvised bombs ang pinasabog sa kanilang vehicles ngunit walang napuruhan sa kanila.

Kinontak ni Lt Alvarez sa tactical radio ang opisyal ng 49th IB para sa gagawing link-up operation. Si 1st Lt Ray Acosta, ang nakausap nya sa kabilang linya.

“Ang pinaka-reference mo sa location namin ay ang trak na nakaharang sa daanan. Abangan namin kayo,” sabi ni Acosta.

Itinuloy nila ang pag-advance pagkatapos malampasan ang stronghold ng kalaban hanggang sa may nakita silang nakahambalang na trak sa daanan.  Ang problema, umuulan na bala ang sumalubong sa kanila. Binagbagan kaagad ng kanyang gunner ang pwesto ng mga armadong grupo kaya napasigaw si Lt Alvarez.

“Cease fire! Mga kasama natin iyan!”

Samantala, si Sgt Waoy na syang driver at nakakakita sa mga hitsura ng nailawan na mga armado ay sigurado na terorista talaga ang nang-ambush sa kanila.

“Kalaban na talaga ito sir! Cpl Lumbay, continue firing!”

Di nagtagal sa kanilang pakipagpalitan ng putok ay niyanig ang Commando vehicle ng pagsabog. Tinamaan sila ng Rocket-propelled grenade!

Puwing mula sa mga alikabok, makapal na usok, at kalawang ang inabot nila. Marami ang may tama sa kasamahan niya sa loob ng armored vehicle.

“May tama ako sir!”

Tuloy ang pamumutok sa kanila at merong mga kasunod na RPG fires. Nakita nyang nakahandusay na si Private Purlas. Patay na ito nang pinulsuhan nya. Nang inusisa nya ang mga kasamahan, isa lang ang walang tama.

Tumawag sya sa Simba vehicle para ma-sustain ang supporting fires mula sa likuran.

“Cpl Parel, tuloy ang putok sa pwesto ng mga kalaban!” Nag-maneuver ng mas magandang position ang driver ng Simba na si TSg Santos at pinaulanan nila ng bala ang mga terorista na nasa mga konkretong pwesto. Napatay nila ang ilang sa naabutan ng Cal 50 M2 ball rounds.

Sa kasagsagan ng putukan, tinamaan uli ang Commando vehicle na syang dahilan para ito ay tumirik. Di na ito makaalis sa posisyon at ang kanyang Cal 50 machinegun ay nakatutok na lamang sa eastern direction. Doon sya nagdesisyon na lumabas para idepensa ang mga vehicles mula sa nakapaligid na buildings.

“Dismount tayo, maiwan ang driver at gunners para mag-base of fire!”

Tinawagan din nya sina Tsg Santos na nasa Simba vehicle upang bigyan din ng kaparehas na instruction.

“Maiwan kayo ni Cpl Parel, ang ibang tropa ay maghati-hati ng posisyon para makakuha ng mga buildings sa lahat na north, south, west at east.”

Kasama ang mga sugatan na kaya niyang hilahin palabas, tinakbo ni Lt Alvarez ang isang bahay para gamiting cover. Si Pvt Cabonitas ay di na kayang makalakad dahil sa naputol ang kanyang paa, kaya tinalian nila ito para mahinto ang bleeding at binigyan ng first aid treatment. Pinilit din nito na makakuha ng defensive position sa labas para makasuporta sa pagbigay ng cover fire sa grupo ni Lt Alvarez.

Habang nakikipagputukan ang mga armored vehicles sa labas, ginamot at pinapataas nya ang morale ng mga sugatan na kasama. Apat sa kanila ay natamaan sa mata ng shrapnel. Si Pfc Martin ay nabulag ang dalawang mata. Si Pfc Rebuca at Pvt Balasico ay natamaan ang isang mata. Samantala, kinuha ni Pfc Valencia ang medical kit sa loob ng vehicle para gamutin ang mga sugatang kasamahan.

Sa buong madaling araw ng May 24, nakipagbarilan sila sa mga terorista. Napansin nya ang mga laser aiming devices ginamit ng mga kalaban na tila ay hinahagilap ang kanilang silhouette sa pinagtataguan.

Nakita rin nya ang mga sibilyan sa mga bahayan na ayaw pang lisanin ang lugar. Nahahabag sya sa takot ng mga iyon sa gitna ng putukan na nagaganap. Pinatago nya sila sa mas magandang pwesto. Minabuti ni Lt Alvarez na makapagbigay kanyang grid location at humingi ng reinforcement para sa MEDEVAC ng kanyang mga casualties.

Sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang Battalion Commander na si Lt Col Goyena, pinapatatag nito ang kanilang kalooban: “Kapit lang kayo, makakarating din ang reinforcements dyan. Papunta na sila sa Banggolo Bridge!” 

Napabuntong-hininga sya sa narinig dahil alam nya ang tindi ng pwersa na nakaabang sa lugar. Malaking balakid ang mga kalaban na nakapwesto sa matataas na buildings at sa paligid ng tulay na iyon.

Nang lumiwanag, humupa ang putukan at napansin nya ang pagdagsa ng mga sibilyan sa kanyang pwesto.

“Sir, tulungan nyo po kami. Gusto naming makaligtas mula sa nagliliparang bala dito,” sabi ng isang babae na tangay ang kanyang maliliit na mga anak. Lubos syang naawa sa mga ito kaya itinuro nya ang direksyon ng 49th Infantry Battalion upang doon sila makakuha ng mas ligtas na pwesto.

Nagkaroon ng lull sa putukan sa umaga na iyon. Kinuha nya itong oportunidad para maka-reposition ng mas magagandang sector sa mga buildings ang kanyang mga tauhan. 

Nang nilapitan nya si Pvt Cabonitas, nagmamakaawa itong humingi ng tubig. “Sir, pahingi naman ng tubig!” Nilapitan nya ito para basain lang ng tubig ang labi nito.

“Masama para sa iyo ang uminom ng tubig. Laban lang tayo at paparating na ang reinforcements!”

Pagkabalik nya sa kanyang pwesto, pinagsaing nya ang tropa ng kanin. Gutom na gutom na sila sa panahon na iyon. Na-monitor nya sa tactical radios na dumadami ang casualties ng reinforcing troops sa Banggolo Bridge, lalo na ang mga miyembro ng SR Class 200 na sumugod para tulungan sila. Alam nyang matatagalan pa ang pagsundo sa kanila.

“Tuloy lang ang laban. Bantayan nyong mabuti ang sector nyo,” utos ni Lt Alvarez sa kanyang tropa.

Bandang alas diyes, nabalitaan nya na nakahandusay na si Pvt Cabonitas sa kanyang pwesto. Di na nya nakayanan ang sobrang hirap dahil sa kanyang tama. 

Buong maghapon, inikot nya ang pwesto ng kanyang tropa. Nakahanap din sya ng helicopter landing zone (HLZ) sa isang solar drier na di kalayuan sa kanilang pwesto. Sa araw na iyon, naging abala rin sya sa pagtulong sa mga tao na nagsipaglikas sa lugar.

May 25 (Nabuhay ang 'patay')

Mga 5:00am ng May 25, nakita nya ang isang matanda na naglalakad na may gamit na tungkod. Namumukhaan nya ito dahil mga 25 metro lamang ang layo nito mula sa kanyang pwesto. Napansin nyang itinuturo ng matanda ang direksyon ng bodega na katabi ng building na tinaguan nya. Di nagtagal ay sinundo ito ng isa pang lalaki na nakasuot ng malong. Dahil sa tingin nya ay ordinaryong sibilyan ang mga ito, hindi nila ito pinaputukan. Ngunit, nang makaalis ang matanda, niratrat uli ng mga armadong grupo ang kanilang pwesto bandang 6:30am!

Humigit kumulang sa 50 na terorista ang lumusob sa kanila ngunit maganda ang mga pwestong building ang nakuha ng tropa ni Lt Alvarez. Paisa-isa nilang nababaril ang mga kalaban na nasa kalsada. Patuloy din ang pakikipaglaban ng dalawang armored vehicles na nasa kalsada.

Sa hapon ng May 25, nauubusan ng bala ang Simba, at sobrang nanlupaypay sa pagod at gutom si Tsg Santos, ang driver nito. Ganon pa man, tinakbo ni TSg Santos ang Commando vehicle para kumuha ng bala doon. Sa kasamaang palad, tinamaan sya ng bala nang paakyat muli sa Simba, ngunit tumuloy ito para i-maneho ito. Napa-jockeying pa ni TSg Santos ang sasakyan para makaputok ang gunner na si Cpl Parel,  hanggang huminto na ito ng nalagutan sya ng hininga.

Nang magkaubusan uli ng bala ang Simba, lumabas si Cpl Parel para kumuha ng bala mula sa Commando vehicle, ngunit tinamaan din sya at napilitang gumapang sa ilalim nito. Nakita ni Lt Alvarez na hindi na ito gumagalaw.

Sa loob ng Commando, patuloy ang pakikipagputukan ng gunner na si Cpl Lumbay. “Ayaw nya talagang iwanan ang namatay na tropang sina Pvt Cabonitas at Pvt Purlas,” salaysay ni Lt Alvarez.

Si Sgt Waoy naman ay lumabas din sa Commando at kinuha ang east sector para doon magdepensa. Kahit mag-isa, nagawa nitong paatrasin ang nagtangkang lumapit sa kanilang sasakyan na nasa open terrain.

“Ang problema ni Lumbay ay hindi na nya maiikot ang Cal 50 machinegun dahil nasira ito kaya napilitan itong tumakbo papunta sa Simba para gamitin ito sa pakikipaglaban,” dagdag pa ni Lt Alvarez.

Kinagabihan, naulinigan ni Cpl Lumbay na merong kumakatok. Noong una inakala nya itong kalaban ngunit napansin nyang marunong itong kalikutin at buksan ang lock ng pinto.

“Nagulantang si Cpl Lumbay nang Makita nyang si Cpl Parel ang pumasok sa Commando. Buhay pala sya,” sabi ni Lt Alvarez. “Natuwa si Cpl Lumbay dahil nagkaroon sya ng ka- buddy sa pagdepensa ng kanilang sasakyan at mga kasamahan.”

Habang nagmo-monitor sa radio mga alas kuwatro ng hapon, nabalitaan ni Lt Alvarez ang paparating na tropa ng 44th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion. Nang i-plot niya ang GPS location ng mga reinforcements, nasa bandang 50 metro na lang sila. Kinausap nya uli ang tropa at pinasaya sila.

“Ayan, nasa tabi na lang natin ang reinforcements. Sige, maghanda na tayo na salubungin sila para madala na kayo sa ospital!”

Tumindi ang palitan ng putok sa pwesto ng 44th IB at 15th IB na ikinasugat ng ilan sa mga tropa nito. Nagpasya ang opisyal nito na i-suspend ang pag-rescue sa kanila dahil sa tindi ng resistance mula sa mga terorista.

Patagal nang patagal ang labanan, dumagsa ang maraming kaaway mula sa north sector. Pinaulanan nila ng RPG at tinatapunan ng Molotov cocktails ang bahay na pinagpwestuhan ni Lt Alvarez.

“Sa isang iglap, nakita naming nagliyab na ang mga kutson na naging mitsa na masunog ang bahay. Tumakbo kami pababa ngunit nasusunog na rin ito. Inakay ko ang mga sugatan papunta sa CR dahil di na naming matiis ang paglanghap ng usok,” sabi ni Lt Alvarez.

Tinangka ni Lt Alvarez na apulahin ang apoy ngunit tuloy-tuloy ding niraratrat ng mga kaaway ang kanilang pwesto kaya doon sila sa nagpaikot sa may drum ng tubig, ang kanilang huling pag-asa na mabuhay sa loob ng nasusunog na bahay.  Nagbasa sila ng mga tela at damit at ginamit itong panangga sa apoy at usok sa iilang oras na nagliliyab ang buong bahay.

Mga bandang 7:00pm nang nagpasya siyang akayin ang mga sugatang kasamahan pabalik ng second floor. Sa kanyang assessment, mas madali nilang madepensa ang posisyon nila kapag don sila magpwesto sa ikalawang palapag, dahil hindi sila napuputukan ng mga kalaban na nasa ibaba. Kinakapa nya ang kanyang mga kasamahan para ma-account sila bago nya ito inakay paakyat sa hagdan.

“Ang problema namin, dahan-dahang bumabagsak ang mga baga mula sa kisame na kasusunog. Napapaso kami ngunit kailangan naming itong tiisin kaysa ulanin kami ng M203 rounds at RPG,” sabi nya.

Pinapataas ni 1st Lt Jerry Alvarez ang morale ng kanyang tropa na panay sugatan sa nangyaring sagupaan sa Marawi City. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)

Para lumakas ang loob ng lahat na kasama, nagtabi-tabi sila sa isang sulok. Minabuti nyang magdasal habang tinitiis ang init ng baga na naglusaw sa parte ng kanilang uniporme. Parang nag-chorus ang mga kasamahan niya sa pagsunod sa panalangin sa Diyos nang marinig ang kanyang dasal.

“Ang dasal ang siyang nagpatatag sa kalooban naming sa gabing iyon. Naisip namin ang aming mahal sa buhay na nag-aantay sa amin kaya kinakailangan naming lumaban hanggang sa huling patak ng aming dugo,” ayon kay Lt Alvarez, na dating kadete at miyembro ng PMA Class 2005.

“Malaki rin ang tulong ng pagka-plebo ko sa PMA na kung saan ay dumaan ako sa matinding pagsubok. Itinuro sa amin doon na huwag sumuko at panatiliing matatag ang kalooban sa gitna ng kagipitan,” dagdag pa nya.

Tiniis ng grupo ni Lt Jerry Alvarez ang init ng bumabagsak na baga mula sa nasunog na kisame para maiwasan ang tiyak na kamatayan mula sa pang-ratrat ng mga terorista sa ground floor ng bahay na tinaguan. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)


May 26 (Ang katapangan ni Pvt Estores)


Sa kanilang pakikipag-usap sa kanyang mga kasamahan na nasa katabing building, inireport ng mga ito na meron nang mga tropa na nasa eastern location nila, at lahat ng mga iyon ay nakasuot ng itim na helmet. Itinawag nya ito sa 44th IB.

“Hindi kami iyan. Olive drab ang aming helmet. Mga Maute ang nakikita nyo,” sabi na opisyal na kanyang nakausap.  Bigla syang naalarma, napapaligiran na sila ng mga kalaban. Tumawag sya ng close air support (CAS) sa 103rd Brigade Headquarters. Pinabagsakan nya ng bomba ang posisyon ng mga ito kaya natahimik ang mga terorista sa pwesto nila.

Si Pvt Estores ay nagpasyang takbuhin ang Commando vehicle kasama si Pvt Rivera dahil ang mga terorista ay sumugod sa eastern direction na kung saan nakatutok ang tumirik na Cal 50 machinegun. Marami ang napatay nina Pvt Estores kaya lalong pinaulanan ng mga Maute ng RPG ang Commando vehicle, isa rito ang tumagos at agad na ikinamatay ni Pvt Estores, ang pang-apat na nagbuwis ng buhay sa grupo ni Lt Alvarez.

Mag-isa na lang na buhay si Pvt Rivera sa Commando ngunit lalo syang nagagalit sa mga kalaban na lumapit sa kanilang armored vehicle. Inilabas nya ang kanyang baril sa gun port at pinagbabaril ang RPG gunner ng terorista. Nagsipagtakbuhan ang mga ito pabalik sa pinanggalingan na building sa eastern sector.


May 27 (Ang tutong na pagkain)

Kinaumagahan ng May 27, naghagilap sya ng makakain dahil naubos na ang ilang kapirasong Skyflakes na naisingit nya sa kanyang bandoleer. Tila milagro, nakita nya ang tunaw na kaldero na meron pang laman na kanin na iniluto nila noong nakaraang araw!

“Nasunog na rin ang kanin ngunit nang inusisa ko ang ilalim nito, meron pang natirang maputing bahagi na pwede pang pagtyagaan. Tutong ang itaas at ilalim nito na tila nasunog na bibingka. Hating kapatid kaming lahat sa milagrong pagkain,” sabi nya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagngatngat ng tuyo nang pagkain nang umulan uli ng bala sa paligid. Dumami uli ang mga terorista na gustong agawin ang armored vehicles.

Na-lobat na ang kanyang radio kaya cellphone na ang gamit nya sa pagkontak sa Brigade at sa mga kasamahan na nasa ibang mga building. Nagrequest sya ng artillery support sa hilagang bahagi ng kanyang pwesto na pinagposisyonan ng mga terorista. Noong una ay di sya pinagbigyan ng Brigade dahil 50 metro lang ang layo nito sa kanyang pwesto. Ang taktika naman ng terorista ay lalong lumalapit sa pwesto ng mga sundalo tuwing mabagsakan ang pwesto nila ng 105mm rounds.

“Nag-alala ang nasa artillery na matamaan kami dahil 30 metro lang ang pinapatakan ko. Ipinaliwanag ko na matibay ang building na kinaroonan ko at maliban doon, maaaring ma-wipe out na kami dahil paubos na ang aming bala,” sabi nya.

Nang nagdapuan ang 105mm high explosive rounds, natameme ang mga terorista at nagsipagtakbuhan sila. Nang nakita ni Pvt Okoman na gustong mag-maneuver ng terorista sa likuran nya, bumaba sya sa gate para pagbabarilin ang terorista na gumapang papunta doon.

Di kalaunan, dumating uli ang tropa ng 44th IB at 15th IB at nakalapit muli sa 50 metro ang layo ngunit nagkaroon na naman ng casualties sa sagupaan. Dahil dito, aborted muli ang pagsundo sa kanila.

Kinagabihan, paubos na muli ang battery ng kanyang cellphone na ginagamit sa pagcontact sa TCP. Ma-isolate sila kung maubusan sila ng battery kaya nagboluntaryo si Pvt Cabanayan na gumapang papunta sa labas at maghanap ng baterya ng motor o sasakyan. Di nya inalintana ang pamamaril ng Maute na di kalayuan sa kanila.

“Laking tuwa namin dahil nakabalik si Cabanayan na may bitbit na baterya ng motor. Ginawan nya ito ng diskarte na maging power source para marecharge ang power bank ko. Ito ang nagamit ko para ma-coordinate ang pagreinforce sa amin ng 1st Scout Ranger Battalion kasama ang tropa naming sa 5th Mech Battalion,” sabi nya.

May 28 ("Fire at my position!")

Sa ika-28 ng Mayo, nasa malapit na ang mga Rangers na pinamunuan ni Lt Col Samuel Yunque ngunit makapal pa rin ang mga kalaban na nasa paligid ni Lt Alvarez at mga kasamahan.

“Tuwing marinig o maramdaman naming ang nagmamaso ng pader sa timog na bahagi ng aming pwesto, napapangiti kami sa tuwa. Subalit, nagbubutas din ng pader sa hilagang bahagi ang mga terorista gamit ang maso, kaya napapawi naman ang aming ngiti dahil alam naming papasukin nila kami at pagpapatayin,” kwento nya.

Binubutasan ng mga Scout Rangers ang pader para marating ang pwesto ng tropa ni Lt Jerry Alvarez sa Marinaut, Marawi City. (Photo by 1st SRB)

Gamit ang cellphone, nakarequest si Lt Alvarez ng close air support at napabagsakan ang pwesto ng mga snipers na humarang sa mga Scout Rangers sa southern sector. Dito tumahimik ang mga terorista sa kanilang pwesto kaya mas napabilis ang advance ni Cpt Carandang palapit sa armored vehicles.

Napansin din ni Lt Alvarez na ang mga kalaban ay nakaakyat na sa rooftop ng building na kanyan pinagpwestuhan. Naalarma sya dito dahil baka makababa ito sa ikalawang palapag. Itinawag nya kay Lt Col Yunque ang kanyang request.

“Sir, patakan mo ng mortar ang rooftop ko. Andito na sila sa itaas ko!”

Nag-alala si Lt Col Yunque dahil baka ang sariling tropa ang matamaan ngunit nanigurado si Lt Alvarez na maganda ang cover nila kaya safe ang posisyon nya. Nagdalawang isip man, pinatakan ni Lt Col Yunque ang rooftop hanggang sa matamaan ang mga nakapwesto doon.

“Tuwing merong pumalit na terorista sa rooftop, pinapatakan ko uli hanggang sa wala nang nagtangkang umakyat uli doon. Malaking pasalamat namin sa magagaling na mortar section ng 1st SRBn,” paglalahad ni Lt Alvarez.

Bandang hapon, napagkasunduan nila ni Cpt Carandang na ang rendezvous point ay ang bodega o rice mill iilang metro lang mula sa armored vehicles. Ibinigay nya ang instruction na ito sa lahat ng mga tropa gamit ang kanyang cellphone.

“Sa rice mill tayo magkikita lahat. Salubungin tayo ng Rangers doon.” Nagfeedback ang lahat ng affirmative.

Nang dumating ang takdang panahon ng salubungan sa rice mill, inakay ni Lt Alvarez ang mga kasamahan papunta sa bodega ng rice mill. Merong pailan-ilang putok na sumalubong sa kanila ngunit himala na di sila tinamaan hanggang nasulyapan na nya ang pwesto ng mga Rangers.

“Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang Makita ko ang mga Rangers. Ngunit nag-alala naman ako dahil kulang ang nakarating sa aming rendezvous point,” sabi nya.

Sa kalituhan sa gitna ng putukan, napunta pala sa solar drier sina Pvt Cabanayan at Cpl Lumbay dahil ang pagkaintindi nila dito ay ‘dry mill’! Pagdating sa bilaran, sniper fire mula sa Maute ang sumalubong sa kanila kaya kumaripaspas din silang pabalik hanggang sila ay makapag-link up sa 1st SRBn dakong alas tres y media ng hapon.

Nang binilang ni Lt Alvarez ang kanyang tauhan sa rendezvous point, napag-alaman nyang kulang ang kanyang tropa. Wala si Sgt Wa-oy na kanyang driver sa Commando vehicle at ang ka-buddy nito na si Pfc Martin.

Kinagabihan, nakatanggap siya ng text message mula kay Sgt Wa-oy kaya nagplano uli sila ng taktika paano sila masundo sa kanilang pwesto.

“Wag kang mag-alala, di naming kayo iiwanan. Magkikita tayo bukas umaga pagsikat ng araw,” pa-high morale nyang text kay Sgt Waoy na noon ay nakagamit ng natagpuang cellphone sa isang building.

Sa sunod na umaga, isinakatuparan ang plano na pagsagip sa dalawang natitira pang sundalo. Matinding palitan ng putok uli sa buong maghapon dahil nakapag-reposition ang mga terorista malapit sa mga armored vehicles at nakapwesto ang mga snipers sa matataas na buildings.

Umabot ng 6pm ang engkwentro hanggang matagpuan ng mga Rangers sina Sgt Waoy at Pfc Martin.

“Sa wakas, nakumpleto rin kaming lahat na survivors. Ang natitira na lamang ay ang mga bayaning namatay na nasa loob pa ng armored vehicles. Hindi kami kumpleto hangga’t di pa naming sila maiiuwi,” ayon kay Lt Alvarez.

Abangan ang kuwento sa mga aksyon ng 5th Mechanized Infantry Battalion at ng 1st Scout Ranger Battalion sa kanilang pag-bawi sa naiwang armored vehicles na naiwan sa pwesto ng teroristang Maute. 


(1st of two parts)

42 comments:

  1. Maraming salamat sanyong serbisyo at sakripisyo..

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa pagsasakripisyo para sa bayan. Lagi po namin kayong pinagdarasal.

    ReplyDelete
  3. God bless Po sa Inyo lahat..!

    ReplyDelete
  4. Salamat Ranger Cabunoc sa iyong post. Isang araw sa aking pagbabalik, gusto kong makilala itong si Lt. Alvarez at makamayan man lang sya at ang kanyang mga kasamahan dahil sa kanilang kabayanihan at katapangan. My salute to those who have fallen. Ipagpatuloy nyong itaguyod ang unit ng Armor! - Warrior from 11LAC.

    ReplyDelete
  5. God Bless to all the members and families of our Military and Police Troops

    ReplyDelete
  6. I salute you sir your a true hero kahit buhay pakapilit itinaya mo para sa bansa natin at para sa kasamahan ninyo you deserve not only a medal of valor but you deserve more than that
    You gain my respect sir
    Salute you sir and to all troops
    GOD BLESS
    Be safe all soldiers

    ReplyDelete
  7. salute to all troops fighting in Marawi...praying for all your safety...God bless

    ReplyDelete
  8. You know a very well written narrative when you can almost feel what it's like.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po, pati akong nagbabasa kinakabahan...

      Delete
  9. a very patriotic, gallant act of an officer relative to his subordinates. an urban guerilla warfare employed by the suicide terror group should be countered by an equal force of trained special forces of the afp.

    ReplyDelete
  10. Maraming Salamat po sa inyong pag sakripisyo para sa ating Bayan, Mabuhay po kayo!

    ReplyDelete
  11. Salamat mga sir sa inyong mga sakripisyo para bayan at sa aming mga mamamayan... Ang aking Panalangin para sa kaligtasan ninyong lahat...Nawa'y palagi kayong gabayan ng ating mga Guardian Angel at ng ating Panginoon at ligtas sa anu mang kapahamakan...Amen
    Nakakadurog ng puso... Naawa po ako sa inyo mga sundalo...
    Hindi po ako nakakatulog ng maayos mga sir... palagi ko po kayong ipinagdarasal lahat ng mga mandirigma na sana po ay ligtas kayong lahat habang nakikipaglaban sa masasamang loob...
    Napapaiyak po ako sa inyo...
    Marami rin po akong mga kadugo na mga sundalo...
    Yung isa po jan Sgt. Miguelito A. Abao ng nabasa ko name nya... Diyos ko po panginoon ko...
    Salamat po sir sa pagshare nyo...
    God bless po sa ating lahat

    ReplyDelete
  12. Maraming salamat sir...i salute to all of you sir

    ReplyDelete
  13. We Honor and salute all of you Sir tunay po kaung mga Bayani....

    ReplyDelete
  14. Walang katumbas ang sakripisyo nyo para sa bayan

    ReplyDelete
  15. we are so proud of you...i saludo po kmi sa inyong katapangan at paninidigan bilang mga tagapagtanggol ng bayan. we owe you a lot....God bless po..

    ReplyDelete
  16. A snappy salute syo 1lt Alvares, sa iyong mga kasama na survivor at mga kasama na nag buwis ng buhay. You have given the MAUTE terrorist group a good fight! Kayo ngayun ay napa bilang na sa tunay na mechanized Infantry warriors ng 5th MECH Infantry Bn! Thanks sir Ranger Cabunoc sa pag lathala ng kanilang kabayanihan.
    -From a true Blooded ARMOR ng Mechanized Infantry Division.

    ReplyDelete
  17. A snappy salute to all of you, Sirs!

    ReplyDelete
  18. Salute to the brave men of Philippine Armed Forces God speed.

    ReplyDelete
  19. Pag naka huli kayo ng maute sir! Patayin nyu na wag nyu ng ipa kita sa media!

    ReplyDelete
  20. Stay safe po sa inyong lahat... Godbless you all...

    ReplyDelete
  21. A snappy salute to you, our true heroes!This makes me proud and hopeful for my motherland.

    ReplyDelete
  22. God continually bless and keep you..
    Words aren't enough to tell you how much you mean to us, sirs..

    ReplyDelete
  23. A Heart warming true story..
    A snappy salute to you our brave soldiers, and to our fallen soldiers.
    God is with you always.

    ReplyDelete
  24. Sir i give all my respect i can give to you and everyone serving our country.
    I maybe an office worker in manila, but my heart is wherever you guys are.

    I hope when the time comes i am called into service, i may do justice to what everyone in the military has offered.

    Snappy salute sirs.

    ReplyDelete
  25. thankyou for sharing. well written.
    all the more thank you for serving our nation and protecting us. May God protect you with His most precious blood and May the Mantle of Protection of Mama Mary be with you.

    ReplyDelete
  26. hand salute! proud of our brave soldiers. walang iwanan talaga

    ReplyDelete
  27. Patnubayan nawa kayo ng Diyos...
    ilayo sa kapahamakan,para sa bayan.
    snappy salute to you Sir...

    ReplyDelete
  28. saludo ako sa nu lahat sir....hindi kayo pababayaan ng ating maykapal....sana makita namin kayong lahat at papalakpakan sa kabayanihan na nagawa nu

    ReplyDelete
  29. Maraming salamat sir sa inyong sakripisyo at pagsisilbi sa ating bayan...Ipapanalangin lage namin ang inyong kaligtasan...Sana masuklian ng sapat ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang inyong Kabayanihan at serbisyo..

    ReplyDelete
  30. breathtaking...parang pelikula.kayong mga sundalo atapang a tao...God is great!!! marbelboys

    ReplyDelete
  31. My prayers, respect, and gratitude to our brave soldiers. Special thanks also to the writer of this spellbinding narrative.

    ReplyDelete
  32. RESPECT and SALUTE po para sa lahat ng sundalo natin. Kinilabutan ako sa storya. Part 2 pls. Thanks

    ReplyDelete
  33. Bravo to our brave soldiers. Salamat sa kwento mo. At ang galing ng blog mo. Hinihintay namin ang part 2.

    ReplyDelete
  34. MABUHAY KAYONG LAHAT AT ANG MGA KABAYANIHAN NIYO. God bless you all!

    ReplyDelete
  35. Maraming salamat sa ating matatapang na mga sundalo. Ibinubuwis niyo ang inyong para sa kapayapaan.

    ReplyDelete
  36. tahnk you so much sodiers sana po pag[alain kayong lahat

    ReplyDelete
  37. thank you so much soldiers for securing our nation

    ReplyDelete
  38. Thank you very much dearest and bravest soldiers..Thank you for serving the nation in the name of love ad service...To 1st LT JERRY ALVAREZ, we are so proud of you sir. I am very much proud as your one of your classmates before in Bayambang.. (Napanood kopo kayo Sir Alvarez sa ABS-CBN's 'Di Ka Pasisiil'.. GOD bless you always sir and the rest of the AFP.. God bless our leaders and the Philippines...Mabuhay po kayong lahat... Salute to all of you..

    ReplyDelete
  39. Magagaling na Lt hindi sya nawala ng comunication hangang Dulo at Artilert suport at Airforce rocket alam kung saan ibabagsak ang artilery at mesile ng air force

    ReplyDelete