Pages

Sunday, October 26, 2014

Paano nilabag ni Marc Sueselbeck ang camp regulations at mga batas ng Pilipinas?


Marami ang nagtatanong kung paano nilabag ng Aleman na si Marc Sueselbeck ang batas ng Pilipinas at mga regulasyon ng Armed Forces of the Philippines sa pagbisita sa aming kampo. 

Hindi kasi naikwentong mabuti kung ano ang tunay na pangyayari. Pagkatapos ng aking pag-iimbestiga, ang mga kaganapan ay aking naipagtagpi-tagpi. 

Bago ko simulang ikwento ang mala-telenobelang kaganapan noong ika-22 ng Oktubre 2014, ilahad ko muna ang iilan sa mga basic regulations sa pagpasok sa kahit saang kampo ng militar. 

Marapatin kong sabihin sa inyo na kahit sinong Pilipino ay pwede namang bumisita dito. Kailangan mo lang ipaliwanag ang iyong pakay at magpakita ka ng pruweba ng iyong katauhan. Mas maiging meron kang kakilalang sundalo. 

Camp regulations

Ang pinakamahalaga sa camp regulations na dapat intindihin ng bawat bisita ay iyong patungkol sa security protocols. Ano yon? Ito ay ang mga bagay o lugar o kaya aksyon na ipinagbabawal sa mga bisita. 

Para maging maliwanag, ito ang mga sampol ng camp regulations:

1. Security protocols. Bawal pumasok sa mga lugar na 'off-limits' o 'restricted' areas. Ang halimbawa dito ay ang barracks, supply room, ammo depot, military stockade at mga opisinang gumagawa ng mga sensitibong trabaho na may implikasyon sa national security. Ooops, interesado ka ba dito? Siguro kung espiya ka o talagang laking tsismoso!

 2. Observe speed limits. Kung kaskasero o race car driver ka, sorry ka na lang, di mo ito pwedeng gawin iyan sa kampo. Tandaan mo, 40kph lang ang maximum speed dito. Kung mag-jogging ka lang naman, pwede naman siguro kahit 100kph pa gagawin mo kung wala kang maagrabyado!

3. No smoking areas. Health conscious din kami sa kampo. Merong mga lugar na bawat manigarilyo. Kagaya ko na hindi nagsusunog ng baga, bawal ang mga paninigarilyo sa aking opisina. Hanap kayo ng lugar na kayo lang makalanghap ng usok nyo. Sa inyo na lang iyan di ba?

4. No parking areas. Syempre, i-park mo dapat ang sasakyan mo sa designated parking areas. Basa-basa rin ng parking signs kung may time. Kung gusto mo ma-tow ng Military Police o malagyan ng kadena ang sasakyan mo, try mo i-park sa kanto-kanto ang iyong sasakyan. 

Car pass

Dito sa Camp Aguinaldo, nagbibigay ng decal/sticker ang Camp Commander sa mga indibidwal kagaya ng mga sundalo at mga kaanak o piling kakilala nila. Kapag merong sticker, nakakapasok sa loob ng kampo basta sumunod sa regulasyong kagaya nito:

  • Roll down windows
  • Patayin ang head lights
  • Pailawin ang cabin light kung gabi
  • Ipasilip sa gwardya ang loob ng sasakyan 

(Mas maganda kung mag-smile ka rin at gumalang sa gwardya!)

Kung wala kang sticker, kailangang dumaan sa Gate 6 malapit sa 20th Avenue at doon manghingi ng car pass sa MP. Para makakuha ng car pass, kailangang i-justify ang pagbisita at mas maiging merong prior coordination sa bibisitahing opisina o tao para sya na mismo sasalubong sa iyo. Kailangan mong iwan ang iyong driver's license sa gwardya.

Foreign nationals

Kung ikaw naman ay foreign national, I am sorry po pero hindi ka kaagad makakapasok sa kampo. 

Una, kailangan mo ng security clearance. Mabigat ang requirement sa security clearance. I-coordinate pa ito sa embassy mo. Bakeeet? Syempre, di namin kayo kakilala! Malay mo nga naman kung ikaw ay terorista o kaya involved sa transnational crimes kagaya ng drug trafficking o human trafficking? Baka miyembro ka pala ng teroristang ISIS? 

Sa madaling salita, hindi ka makakapasok agad sa kampo kung ikaw ay foreigner. Baka aabutin ng 1-2 weeks ang proseso nyan. Sorry ha? Regulasyon eh. 

Art of deception

Marami ang nagtatanong paano nakapasok si Sueselbeck, Laude family at Atty Harry Roque sa aming kampo noong hapon ng Oktubre 22, 2014. 

Actually, sila ay pinagbawalan nang pumasok sa Gate 3 sa may EDSA dahil nakita ng gwardya ang Caucasian na si Sueselbeck. Syempre, alam ng gwardya na hindi ito pwedeng papasukin kung walang security clearance.

Ang ginawa nila, lumipat sila sa Gate 6 at gumamit ng bagong taktika sa pagpasok. Itinago nila si Sueselbeck sa likuran ng sasakyan. Nilinlang nila ang guard na ang pupuntahan ay ang Public Affairs Office na aking opisina. Dahil pang-publiko ang aking opisina, very convenient itong gagamitin na alibi sa pagbisita. Hindi na sila makakaulit.

Dahil nabigyan sila ng carpass, nakapasok sila sa kampo at nakakita ng pagkakataon na isakatuparan ang maitim na balak. As expected, hindi sila pumunta sa Public Affairs Office. Sa halip ay dumerecho sa MDB-SEB Facility na kung saan ay andoon nakatira si Pfc Joseph Scott Pemberton, ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Jeffrey Laude a.k.a. Jennifer. 

Actually, batid namin na pupunta ang grupo nila Sueselbeck. Nagsabi ang isa kong kaibigan sa media na nagti-text ang grupo nila Laude na nang-iimbita sa kanilang planong 'pagkalampag' sa 'kulungan' ni Pemberton. Ang problema, hindi kakilala ng guards ang pamilya at kung anong sasakyan. Dahil sa kakulangan sa oras, hindi na nakapagkalap ng dagdag na impormasyon kagaya ng pictures para sila ay maharang sa gate kapag makilala. Sa paniniwala ng aming legal advisers, ito ay paglabag sa Presidential Decree 1227 na nagbabawal sa pagpasok sa military base na walang kaukulang permiso. Alam din namin na maraming palusot dito.

Dahil nakapasok na sila at andon ang maraming TV at radio reporters, isinakatuparan nila ang pwersahang pagpasok sa unang gate ng compound palagay ko mga 3:00 pm na iyon (di ko sure ang exact time). 

Di kalaunan, inakyat ni Marilou Laude at Marc Sueselbeck ang perimeter fence. Itinulak ni Sueselbeck nang malakas ang gwardya na kumausap sa kanya. Tila nadibdiban ng higanteng Aleman ang aming sundalo. Ito ay direct assault on a person on authority. Mas pinili nito ang maging mahinahon at mapagkumbaba. Alam nya na nakatutok ang lahat ng camera. Ginamit nya ang kanyang isip.

Nasa loob na sila Sueselbeck nang ako ay nakarating sa lugar pagkatapos na makatanggap ng tawag tungkol sa intrusion nila doon. 

Kinausap ko si Marilou at pinaalalahanan na violation ang ginawa nila: 

"Kung bahay mo pinasok ng tao sa pamamagitan ng pag-akyat ng wall, matutuwa ka ba?"

Ipinaliwanag ko sa kanila na wala sa aming level of influence ang pagbukas sa MDB-SEB Facility para ipakita sa kanila si Pemberton. Hello! How I wish lang. Actually, gusto rin naming makamit ng mga Laude ang hustisya eh. Syempre, nakakagalit ang namamatayan. Pilipino rin naman kami at nakakaramdam ng lungkot ng namamatayan ng kababayan. Ang problema, di ba't US government ang may custody ayon sa VFA? Dagdag pa riyan, suspek din iyon at meron din siyang karapatan. In short, "rule of law" lang dapat obserbahan. Alam ito ng mga abogado! Rule of law....Rule of law!

Pagkatapos kong magsalita, tila nahimasmasan si Marilou ng konti ngunit determinado sa on-camera na aksyon, ayaw nilang kusang lumabas. 

"Kung ayaw nyong lumabas dyan, kayo ay ipapa-aresto at ilagay sa kulungan ng sundalo!"

Sinigawan ako ni Atty Roque: "Ahhh, ikaw ba ang Spokesperson ng US Armed Forces?" Marami syang sinabing masasakit na pananalita. Di ko na pinatulan.

Pati mga kapatid sa media ay naiinis sa nangyari, lalo na sa pambabastos sa aming sundalo na si Tsg Pamittan. Kinausap ko sila na dahan-dahang lisanin ang lugar. Sumama sa akin sina Kuya Bing Formento at iilang taga Defense Press Corps. 

Nang dumating si BGen Arthur Ang, kinausap nya ang grupo. Nasigawan at napahiya din si Gen Ang ngunit sya rin ay nagpakumbaba at kinausap sila ng mahinahon. Mga alas-singko na noon nang pumayag ang grupo na sumama sila sa opisina ni BGen Ang. 

Ang mga kaganapan na ito ang dahilan kung bakit ipinag-uutos ni AFP Chief General Gregorio Pio Catapang Jr. ang paghain ng reklamo laban kay Sueselbeck sa Bureau of Immigration at maging sa German Embassy. 

Naniniwala kasi ang AFP na dapat ang foreign nationals ay dapat sumunod sa lahat ng batas at regulasyon ng bansa na kanyang binibisita. Ang mga violations ni Sueselbeck ay posibleng basehan para sya ay madeklarang 'undesirable alien' at hindi na makakabalik sa bansang Pilipinas.


13 comments:

  1. May kasama pa namang abogadong de kapamilya, di man lang pinag malasakitan ang German at sinabihang bawal pumasok sa kampo ang isang Foreign National. Tsk! tsk! tsk! huwag mong sabihing di alam ni Atty Roque ang saligang batas? Puro pang sarili lang kasi ang inaatupag......Takaw "PUBLICITY" din kasi itong si Atty Roque!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marc Sueselbeck was either ill-advised by Atty Roque or they planned the whole thing from the beginning. Too bad it backfires on them and now we have a fainting German on our hand. One thing is clear though, Mr Sueselbeck must be held accountable for his actions and Atty Roque, as a lawyer, should be the first one to know this.

      Delete
  2. Alam ni Atty. Roque na mali ang ginawa ni sueselbeck at Marilou Laude. Pero hindi man lang nya pinagsabihan. duda ko nga sya pa naginstigate sa mga ito na gawin ang pagakyat at pangangalampag. Tama ang isang blogger Takaw Publicity si Atty Roque. Gustong sumikat. Dapat kasuhan din sya kasi mas alam nya ang rules of law bakit nakiyakyak din sya. Lawbreaker din yang lawyer na yan.

    ReplyDelete
  3. We therefore conclude Atty Roque is an ILLEGAL counsel and Mr Sueselbeck was the pawn therefore he got burn. Kung ako si Marilou Laude magiisip isip na ako kung ano bang interest ang inuuna at pinaglalaban ni Atty Roque. katarungan para kay Jennifer o interest nyang sumikat at makilala. Isip isip din pag may time Ate .

    ReplyDelete
  4. It was an illegal act indeed. On the other hand, laude should have refrained from spot dating since he/she already had a fiancee (not intending to impose morality here, just saying). And, if it was unavoidable I think full disclosure would have helped. Meaning he/she should have declared that he/she has a male organ. One thing that Pemberton don't need at that moment.

    ReplyDelete
  5. Ok din kayo mag-commenw ah! pinatay na nga sisihin pa ang biktima. obviously, mali ginawa ni jennifer na lokohin or sumama kay pemberton pero mas lalong hindi tama na pumatay. sa totoo lang nakakaawa ang ginagawa niyo kay marc sueselbeck. undesirable alien na nga siya diba eh di pabalikin agad sa germany. tapos ang usapan. meron pa kayong due process na nalalaman. hindi nga masunod ng tama ang due process sa kaso ni laude. concentrate on the case na lang po kaya ano.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rule of law ang pairalin ikanga. Si Pemberton may pananagutan gayun din si Sueselbeck sa ginawa nyang trespassing sa camp agui. Don't let your emotions cloud your understanding of the case.

      Delete
    2. There was nothing mentioned regarding Jennifer that was not true. He/she was an unfaithful fiancee. Masakit man pakinggan but that is the "Truth". I pity Suselbeck..Naiputan na sa ulo... nagamit pa ng abogado...

      Delete
  6. Kudos and hats off to the military police and every officer who handled the incedent well :)
    Pero Sir Cabunzky napansin ko lamang na medyo tumaas boses mo dun sa kano kuha ng media hehehe pero sabagay ako din maiinis dhil nakakabastos ang kaniyang ginagawa
    but never the less astig padin ang composure niyong lhat na duty sa GHQ

    If that happened to other countries na tazer na agad yan or even worst plastic bullet agad upon climbing the fence :))

    again hats off sir and continue to do good as the new head of public affair office :D
    Sana maging Chief of AFP din kayo tulad ni Sir manny :D
    GODbless and more power sir

    ReplyDelete
  7. Na DECLARE na pong UNDESIRABLE ALIEN ang anemal na SUESELBECK dahil doon sa pagpasok niya sa kampo ng militar na walang kaukulang papel naghihintay na lamang siya ng ilang araw para sa deportasyon... mabuti at hindi ka kinaldag ni Tsg Pamatian Ranger Musang pa naman yun. keep up the good work AFP

    ReplyDelete
  8. Anak ng bakulaw din yn c atty. Roque...gusto pla sumikat d nlng kumain ng bubog...wla s standard yn s pgiging abogado..dapat p nga iayos nya ung client nya d ipahamak...abogago de tarantado tlga yn...

    ReplyDelete
  9. THIS IS THE ACTUAL RESPONSE OF ATTY HARRY ROQUE :-)

    http://harryroque.com/2014/11/04/reaction-to-afps-actual-not-just-the-threat-filing-of-disbarment-complaint-against-me/

    ReplyDelete
  10. I can attest dun sa fact na foreign nationals are not allowed sa military camps - may uncle ako na US citizen and we are stopped and questioned (makikistay lang naman sila sana for the the next flight pauwi probinsya). Apparently "cold-war era law" pa daw ito according kay erpat.

    ReplyDelete