Pages

Saturday, February 04, 2012

Taxi Ride ni Botyok

Dahil sa kanyang kabayanihan sa Mindanao, isa si Botyok sa pinadalhan ng mensahe ng pamunuan ng Philippine Army na magiging awardee bilang Best CAFGU  sa  Army Day celebration.

Dahil laking probinsya, malaking problema ni Botyok ang pagpunta sa kampo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio.

Kung gaano sya katapang na gumala sa mga kagubatan ng Basilan, ganon din sya kaduwag na maglakad-lakad sa kalakhang Maynila.

Nilapitan nya ang kanyang Detachment Commander na si Sgt Boloy upang magtanong.

"Basta ang gawin mo, pagkababa mo sa barko ay taxi na agad hanapin mo at sabihin mo na magpahatid sa Army Liaison Detachment sa Fort Bonifacio," sabi ng kanyang boss na nag-abot ng tig P100.00 na perang papel na umabot namang humigit kumulang sa isang libong piso, bilang travel allowance.

Mukhang madali lang ang instruction ng boss nya pero matindi ang pag-aatubili nyang lumisan pa-Manila. Kasya-kasya lang din ang kanyang pera, at ito ang lalong nagdagdag sa bigat ng kanyang kaisipan.

Pagkababa nga nya sa barkong sinakyan, taxi agad ang kanyang hinanap. Lumabas sya sa pier at di naman sya nabigo.
Taxi is Readily Available in Cebu 

Pagkapara ng taxi, agad syang umupo at sa tonong Bisaya ay sabing,"Bay, sa Fort Bonifacio ako pahatid". 

Agad na ibinaba ng drayber ang metro at nagulantang si Botyok sa kanyang nakita.

Agad na P40.00 ang nakita nyang tatak sa screen! Kumalabog ang dibdib nya sa kaba. Kokonti lang pera nya dahil sa kaka-videoke at beer sa Super Ferry!

Dahil sa akalang P40.00 ang bawat patak ng metro habang tumatakbo, minabuti ni Botyok na mag-squat habang tinatahak nila ang kahabaan ng Roxas Boulevard.  Ayaw nyang umupo.

Sa malaking pagtataka ng driver, ito ay nagtanong: "Bay, anong nangyari sayo? Ba't ayaw mong umupo?".

"Eh kasi gusto kong magtipid, ang mahal ng patak ng metro mo kapag nakaupo!", sabi ni Botyok, sabay ngisi pagkakitang P3.50 na lang ang sumunod na patak.

"Bwahahaha! Akala mo, maisahan mo ko ha!", dagdag ni Botyok na nangangawit na sa kanyang mahirap na posisyon ngunit natuwa at 'naisahan' nya ang driver.

3 comments: