Pages

Thursday, February 02, 2012

Ang Multo at ang Gwardya



Simula nang namatay ang pinagkakatiwalaan niyang driver na si Cpl Dimas dahil sa isang engkwentro sa Lantawan sa Basilan, lagi nang namamalik-mata si Captain Boloy. 

Nakikita nya ang anino ni Dimas na tila ay kinukutya sya. Pagkatapos ng isang linggo, tumitindi na ang eye bags niya dahil hindi sya nakakatulog dahil sa multong 'nakikita'.

Pilit nya itong ilihim sa mga kasamahan ngunit nahalata rin naman sya.

Isang gabing maliwanag ang buwan, dakong alas diyes, isang boses ang narinig mula sa kanyang kubo.

"Gwardya, gwardya. Punta ka muna dito," sabi nya habang nakaabang sa labas ng kanyang kubo. 

"Bakit po sir? Ano ang aking maipaglingkod?", tanong ni Sgt Botyok na nakangiti. 

"Pwede bang dito ka na magpwesto malapit sa aking kubo sa gabing ito? Mas ok dito at makikita mo rin ang kalaban na papalapit mula dito sa labas ng aking kubo," utos ni Cpt Boloy. "Merong upuan dito, relax ka lang at magmatyag na mabuti". 

Kahit alam ni Botyok na multo naman talaga ang dahilan kung bakit pinalipat sya ng pwesto, sinunod nya ito. Ngunit, umandar ang kanyang kasutilan. 

Mga dakong alas-dose ng hating-gabi, nararamdaman nyang balikwas ng balikwas si Cpt Boloy sa kanyang kwarto. Hindi na naman ito nakatulog. 

Sa kanyang paghahangad na makapang-asar ng opisyal, sinindihan ni Sgt Botyok ang kanyang kandila at agad namang pinatay ang apoy. Iwinasiwas nya ang usok nito sa paligid ng kwarto ni Cpt Boloy. 

Di kalaunan, biglang bumukas ang pinto at isang boses ang narinig:


"Gwardya, gwardya! Nagpaparamdam ata si Dimas. Nangangamoy kandila!". 


(Lalong nangangayat sa puyat si Cpt Boloy at 'pinupulutan' sya ng pasaway na si Sgt Botyok tuwing inuman)

No comments:

Post a Comment