Pages

Thursday, December 22, 2011

Ang Pangarap ni Moymoy

Dalawang anak ng mga sundalo na may edad na 5-6 taong gulang ang naka-confine sa Army General Hospital dahil sa sakit na dengue.

Isang araw, binisita  ng military nurses ang kanilang ward  upang tingnan ang kanilang kalagayan. Pinagtabi sila sa iisang bed upang bolahin tungkol sa kanilang buhay-buhay.

Tinanong sila ng nurse ano ang kanilang mga pangarap pag sila ay lumaki na.

"Gusto ko po maging isang doktor para makatulong sa kapwa", sabi ng patpating batang si Botyok.

Samantala, nag-iisip ng malalim si Moymoy ano ang ihirit na sagot.

"Gusto ko pong maging kapwa", sabi nya sabay lingon kay Botyok.

"Bakit kapwa ang gusto mo Moymoy at ano ang ibig sabihin non?", sabi ni Ate nurse.

"Kasi si Botyok ay gusto tulungan ang kapwa. Kaya, ako na lang si kapwa para lagi ako tutulungan ni Botyok!"

No comments:

Post a Comment