Pages

Sunday, September 08, 2019

The Lone Ranger: The adventures of MSg Eugenio 'Bobords' Dela Cerna


Ang mandirigmang Musang na si Master Sergeant Eugenio 'Bobords' Dela Cerna sa isang assignment nya sa Mindanao noong 1990s. (Photo by Bobords dela Cerna)




Kung katapangan ng isang mandirigma ang ating pag-uusapan, isa sa mga nakasama kong Musang ang tunay na maihahanay sa mga mababangis na sundalo sa mga matitinding labanan. 

Sya yong tipong mandirigma na walang inuurungan at walang kinatatakutan. Sya ay kilabot ng mga terorista at bandidong nakakalaban. 

Dugong Bisaya. Mula kay Kali Pulaku (Lapu-lapu) ang kanyang angkan. Sino nga ba kundi si Master Sergeant Eugenio Dela Cerna, kilala sa palayaw na si Bobords. 

Simula ng taong 1973 nang pumasok sya sa serbisyo, hanggang sa kanyang pagretiro noong taong 2009, nakatanggap sya ng napakaraming combat medals kagaya ng 18 na Gold Cross Medals at sobra 30 na Military Merit Medals with Spearhead Device! Whoa! 

Ayaw mong maniwala? Yes, at kung susuriing mabuti ang kanyang mga combat actions, siguro nairekomenda na rin sya dapat na maging Medal for Valor awardee dahil sa katangi-tanging katapangan sa bakbakan. Alamin nyo sa kanyang kwento.


Serbisyo militar

Dahil sa naranasang kahirapan ng kanyang pamilya noong 1970s, nakikita nyang mahihirapan na syang makatapos sa pag-aaral at maiangat ang estado ng kanyang buhay. Namatay ang kanyang ina bago sya nakatuntong ng kolehiyo kaya napilitan syang ipagpatuloy ng pag-aaral sa Manila.

"Tatlong taon din akong nagtiis na mag-aral sa Manila dahil sinuportahan ako ng aking mga tiyuhin. Kaya lang hinahanap ko ang kakaibang propesyon na makakatulong ako sa mamamayan," sabi ni Dela Cerna. 

Sa mga panahon na iyon, naging magulo na sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa pananalasa ng mga komunistang terorista at ng secessionist group na Moro National Liberation Front. Katatapos na madeklara ang Martial Law nang mapagpasyahan nyang manilbihan bilang mandirigma ng bayan. 

Naengganyo syang pumasok bilang sundalo dahil sa mga kakilala at kabarkadang kamag-anak din ng sundalo kaya ng anak ni Sgt Papillero at kapatid ni Sgt Demaala. Ramdam din nya ang excitement ng pagiging sundalo na nakikipaglaban sa mga masasamang elemento na namimiktima sa mga pamayanan.

"Malaking impluwensya ang aking mga barkada at halos sampu kaming nakapasok sa Army at magkasamang napunta sa Jolo," kwento nya.

Nagsimula sya sa serbisyo bilang isang 3rd Class Trainee noong 1973. Dahil dito, ininda nya ang hirap ng anim na buwan na pagsasanay sa "Molave Warfare" training ng Special Forces sa Cebu City. Ang 15th Infantry Battalion na pinamunuan ni Colonel Pedro Villalon ang kanyang unang assignment. 

                  
Larawan ni Sgt Bobords Dela Cerna habang namahagi ng taktika sa pakikidigma sa mga kasamahang sundalo sa kanyang yunit. (Photo by Bobords dela Cerna)


Isa sya sa naturuan ng advanced marksmanship kaya naisyuhan sya ng M1 Garand Rifle na merong scope bilang pangsipat. 

Simula't sapul, kayang-kaya ni Dela Cerna patamaan ang ulo ng tao kahit sa layong 200 metro hanggang 300 metro. Naging parte sya sa piling advanced marksmen ng 15th IB na binigyan ng mas mataas na pagsasanay sa rifle marksmanship. 

"Una, ginawa muna kaming shooters para sa competitions dahil mahilig yong Batcom namin sa marksmanship. Kalaunan, nabuo ang aming sniper platoon sa unit."


Larawan ni Bobords Dela Cerna habang nagtuturo ng advanced rifle marksmanship sa mga kasamahang sundalo na isinasabak sa mga bakbakan. (Photo by Bobords dela Cerna)


Nang malaman ng kanyang lolo na sinuong nya ang mapanganib na serbisyo militar, ipinatawag sya nito para bigyan ng pang-proteksyon .

"Huwag mong kalimutan ang mga dasal na iyan. Kausapin mo parati ang Diyos kung kailangan mo ng kanyang proteksyon dahil sya lang ang may kapangyarihan na gawin ito," sabi ni Bobords. 

Di rin nagtagal nang sya ay nagreport sa 15th IB nang nakatanggap ito ng radio message na ang kanilang yunit ay ipapadala sa Jolo noong 1974 para bawiin ang syudad mula sa mga bandido na umatake at nagkontrol dito. Maraming mga sibilyan ang naipit at merong mga sundalong naiipit sa bakbakan. 

Naramdaman ni Bobords ang magkahalong kaba, excitement, at sigasig na maipamalas ang kanyang kahusayan bilang mandirigma.
"Atat na atat ako na ma-deploy na kaagad. Kung pwede nga lang, ilipad na kami at derecho isabak sa gitna ng labanan para maisalba namin ang mga tao doon," sabi nya.

Nang malaman nya ang kanilang sasakyan pa-Jolo, medyo nadismaya sya. 

"Sasakay pala kami ng barko ng Philippine Navy. Matatagalan pa kaming magbyahe sa laot papunta sa Mindanao."

(Abangan ang karugtong)






21 comments:

  1. Saludo po ako sa kabayanihan ninyong lahat sir.. Mabuhay po kayong lahat . Mabuhay po ang mga tagapagtanggol ng ating bansa.. Mabuhay ang lahat ng may TABAK.. RLTW...

    ReplyDelete
  2. Master Bobords... we strike!
    We salute you!

    ReplyDelete
  3. Susubaybayan ko po ang sunod na kabanata!

    ReplyDelete
  4. ayos ah , ano kaya pag gagawinn itong pelikula?

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas maganda pa sa mista ito pag na kunan ng pelikula ito the best to

      Delete
  5. BITIN!
    Booooo! Booooo!
    Kagaya ni idol Bobords kating kati nadin akong. Kating kati sa karugtong ��

    ReplyDelete
  6. Grabe naman mambitim si sir harold..May next episode pa talaga.hehehe

    ReplyDelete
  7. sana may movie ito para naman makita ng lahat ng Filipino

    ReplyDelete
  8. exciting ang next episode.

    ReplyDelete
  9. Thank you po sir harold at binigyan pansin nyo po ang aking ama��, salamat po sapag gawa ng true story ni papa.

    ReplyDelete
  10. Sana naman gawan ng tv series to ng channel 7. Puro na lang kasi Cardo Dalisay. Alam naman ng halos lahat na tamang actor lang ang mga action dun.

    ReplyDelete
  11. "Cyborge" ikaw ang magigiting na tagapagtanggol ng ating bayan.
    i Salute you Papa ko.
    #proud daughter
    #thanks sa story ni Papa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naa mo sa cebu gapuyo ron mam? Dela Cerna from cebu city

      Delete
  12. langya antagal ng karugtong...hahahha

    ReplyDelete
  13. Sir Harold bitin po hehehe

    ReplyDelete
  14. Kung marami sana ang kagaya nina sgt.bobords cguro lagi taung panalo sa mga bakbakan..may malasakit sa kapwa at mamamayan.higit sa lahat at kakaiba ang kanilang angking katapangan..ika ng hindi takot sa kamatayan...

    ReplyDelete
  15. Proud at saludo ako sa into dahil isa din akong dela cerna.

    ReplyDelete
  16. matunog ang pangalan nya sa amin... matindi talaga ang poder pandepensa ng angkan nila. ung lolo at lola nya parehas merong taglay. bago namatay ang lola nya 7 buhawe ang dumadaan sa lugar namin. tinataboy lang ng walis tingting ng lola nya ang mga buhawe parang kandila na nauupos. (kwento ng matatanda sa lugar nmin)

    ReplyDelete