Pages

Saturday, July 08, 2017

Pfc John Bernaldez: The Knight in Shining Armor

Si Pfc John Bernaldez, 28, ng Bgy Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat ay nagbuwis ng buhay habang nakikidigma sa mga teroristang Maute sa Marawi City. Sya ay kasapi ng 7th Scout Ranger Company. (Photo by 7th SRC)

Kasama si Pfc John Bernaldez sa tropang nakakumpiska ng 18 matataas na kalibre ng baril iilang araw lang ang nakaraan. Nasa larawan din si Sgt Reynold Palma, ang kanyang Team Leader na kasama nyang nasawi noong June 26, 2017.


Ang digmaan sa Marawi

Mainit ang klima sa Marawi City ng hapon noong ika-26 ng Mayo 2017 nang matanggap ng team ni Pfc John Bernaldez ang verbal OPORD tungkol sa kanilang bagong tasking. 

Si Sgt Reynold Palma, ang kanilang Team Leader ang nag-brief sa kanila tungkol sa kanilang misyon.

"Gentlemen, kailangan nating i-clear ang building na nasa ating harapan. Naka-occupy dyan ang mga terorista na namamaril sa ating tropa," sabi ni Sgt  Palma na kasama nilang nakakumpiska ng 18 na matataas na kalibre ng armas kamakailan. 

Ayon kay Pvt Robin Nicolas, 24, kalimitan nyang katuwang sa paghahanda ng food provisions ng kanilang team si Pfc Bernaldez. 

"Sya ka-buddy ko parati sa Team. Masigasig pa syang naghahanda ng aming pagkain para sa aming misyon sa gabing iyon," ayon kay Pvt Nicolas na tubong Gamu, Isabela. 

Bandang alas siyete ng gabing iyon, nagpasya silang simulan ang kanilang trabaho. Mataimtim silang nanalangin ng Psalm 91, ang nakagawian nilang dasal tuwing misyon. 

Seryoso silang lahat dahil sa nakaambang panganib na kanilang susuungin. Sa mga nagdaang araw ay nakipagbakbakan sila para maagaw ang mga buildings sa kanilang sector para matapatan nila ang ibang mga unit na tuloy-tuloy din ang pag-advance sa layuning pasikipin ang mundo ng mga terorista. 

"Gamit ang aming Night Vision Goggles, naka-file formation kami habang tinatahak ang kalsada patungo sa kabilang building. Napatamaan na iyon ng air strike ngunit nanatili itong nakatayo dahil buhos ang pagkagawa nito," ayon kay Pvt Nicolas. 

Nang marating nila ang bungad ng building, gumilid muna sila sa wall nito at pinakiramdaman ang paligid. Tanging mga putok mula sa ibang sector ang nauulinigan nila.

Pinasok at na-clear nila ang first floor at sinilip ang mga kasuluksulukan nito. Naglikha ng ingay ang mga basag na salamin na naaapakan nila sa sahig. Tinatapik sila ni Sgt Palma tuwing nakakalikha ng ingay.

"Shhhhh. Dahan-dahan ang apak, baka tayo ay mapapahamak!"

Nang wala silang makitang kalaban sa first floor, agad-agad silang umakyat patungo sa second floor para doon naman halughugin ang mga kaaway. 

"Nakarami na kami ng building clearing missions sa mga nagdaang mga araw pero kakaiba ang naramdaman ko sa gabing iyon. Parang nanlalamig ako pero pinagpapawisan din naman ako," kwento ni Pvt Nicolas. 

Bandang 8:00pm na noon nang matapos ng grupo nila Pvt Nicolas ang clearing operations. Malaking ginhawa ang naramdaman nila ni Pfc Bernaldez. Mission accomplished, para sa bayan.

Impyerno sa lupa

Palabas na sila sa building na pinuntahan nang bigla na lang silang inulan ng putok mula sa gilid ng pader. Halos limang metro lamang ang layo ng mga kaaway na nakapwesto sa likod nito. Ramdam nya ang hapdi ng kanyang tama. Gusto nyang sumigaw sa hapdi ng tama pero may nauna sa kanya. Boses ito ni Pfc Bernaldez.

"Tinamaan ako!"

Tinamaan man si Sgt Palma, nagawa pa rin nitong mag-command sa mga tauhan. 

"Extricate, extricate!"

Gutay-gutay ang bahagi ng building na sinugod ng mga Scout Rangers na miyembro ng 7th Scout Ranger Company. Matindi ang resistance ng mga terorista na gumagamit ng RPG para pasabugan ang pwesto ng mga Musang. Umabot na sa 18 ang namatay na miyembro ng First Scout Ranger Regiment sa madugong bakbakan sa bakbakan sa Marawi. 

Habang nagtulong-tulong ang lahat na miyembro ng team ni Sgt Ongkaras sa paghakot ng mga wounded, nagpaiwan si Sgt Palma at ang gunner na si Cpl Edano para putukan ang mga kalaban na nasa kabilang building, nang ma-MEDEVAC ang casualties.

"Nagawa ng aming kasamahan sa section na madala kami ni Pfc Bernaldez sa ospital dahil sa kabayanihan nina Sgt Palma at Cpl Edano," sabi ni Pvt Nicolas. 

Nagising na lang si Pvt Nicolas kinaumagahan sa balita na pumanaw ang kanyang ka-buddy na tinamaan sa pantog. 

Sa sumunod na araw, nabalitaan din nya ang pagkasawi nina Sgt Palma at Cpl Edano. Natagpuan sila sa gilid ng hagdanan na hawak-hawak pa ang kanilang baril. Namatay silang lumalaban. Di nya mapigilan na mapaluha sa sinapit ng mga kasamahan.Sa muli, naalala nya ang malagim na pangyayari na kumitil sa kanilang buhay.

"Nasa lupa ang impyerno sa tagpong iyon. Ang Satanas ay ang mga terorista na aming nakalaban," sabi ni Pvt Nicolas. 


Larawan ng ambush position ng mga kalaban sa gilid ng pader at ang kanilang taguan sa likurang bahagi nito. Handang-handa ang mga terorista sa pagdepensa sa mga buildings na naokupa ng mga ito. 

Bayanihan ng pamilya

Si Pfc John Bernaldez, 28, ay isa sa sampung anak ni Oscar, 67, at Jezebel, 60 ng Bgy Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat. Ang kanyang ama ay isang magsasaka, samantalang simpleng maybahay naman ang kanyang asawa na syang nag-aalaga sa kanilang mga anak. 

Dahil sa dami ng mga anak, di na nakayanang pag-aralin sa high school si John nang magtapos ito ng elementarya. Ang tiyahin na si Elma Padrones, 44, ang sumuporta para mapatapos ito ng high school. 

Ang nakakatandang kapatid naman na si Gellany Sustento, 41, ang kumuha kay John para pag-aralin ng Computer Technology sa Dumangas, Iloilo. 

Taong 2009 nang magpasya si John Bernaldez na mag-apply bilang Candidate Soldier sa First Scout Ranger Regiment. Kahit pa man sa kanyang taglay na certificate of completion sa kursong nakuha, at sa kanyang determinasyon na maging Musang, paulit-ulit syang bumagsak sa AFPSAT o kaya sa physical/medical exam. 

Ayon sa kanyang nakakatandang kapatid na si Analyn, 33, sobrang desidido si John na makamit ang kanyang pangarap na magiging ganap na sundalo. 

"Sa loob ng apat na taon, ako ang nagtaguyod sa kanyang pangangailangan habang sya ay naging 'striker' sa bahay ng isang sundalo sa Camp Tecson. Ayaw daw nya umuwi hangga't di nya nasungkit ang kanyang pangarap," kwento pa ni Analyn na isang OFW sa Dubai. 

Sa taong 2013, nagtapos sya sa pre-entry training ng mga Musang, ang Candidate Soldier Course. Sa kanyang Facebook post, lubos na ipinagmamalaki ni Pvt Bernaldez ang kanyang unang tagumpay.

Bayani ng pamilya

Simula nang matanggap ni John ang kanyang unang sweldo, agad nya itong itinulong sa kanyang mga kapamilya.

Una nyang kinuha mula sa Iloilo ang pamangkin na si Marianne, 18, para pag-aralin ito sa Tacurong City. Tinustusan din nya ang dalawang anak ng kapatid na si Bernald, 40, na isang manggagawa sa Dole Philippines. 

Si Marianne Sustento, 18, ay agad na pinag-aral ni Pvt John Bernaldez nang ito ay nakatanggap ng sweldo bilang sundalo.

Tinulungan din nya ang anak ng tiyahin na si Elma Padrones para makapasok bilang Candidate Soldier. Nang magkasakit sa kidney ang tiyuhin na si Noel, 52, nagpadala rin agad sya ng tulong sa pagpagamot dito. 

Di maburang alaala

Ayon sa inang si Jezebel, halos araw-araw ay tinatawagan sya ng kanyang maalalahaning anak. Kahit nang ma-deploy sa sa Marawi, nagagawa pa rin ni John na tumawag sa kanyang mga kapamilya para mapawi ang pag-alala nila sa kanyang kalagayan.

"Simula nang nagtapos sya sa training, halos araw araw ko syang kausap. Basta matapos ang misyon nya sa isang araw sa Marawi, tumatawag kaagad sya para malaman namin na okay lang sya," sabi ni Jezebel, 60. 

Si Analyn naman ang pinakamalapit nyang kapatid na syang kakwentuhan nya sa mga personal na bagay. 

"Naririnig ko ang putukan sa background kaya sobra akong nag-alala kasi baka matamaan sya. Minsan pinatay nya ang cellphone nang may sumabog pero tumawag sya uli at tawa pa nang tawa dahil peaceful naman daw sa kinalagyan nya," kwento ni Analyn na isang OFW sa bansang Dubai. 

Ayon naman ng kapatid na si Bernald, tumutulong talaga si John kahit sya mismo ay di na makakabili ng personal na gamit. 

"Nang magkasakit ang anak ko ng dengue, di agad sya makapadala dahil dire-derecho ang gyera sa Marawi. Pinahiram nya ako ng pera sa 5/6 at nangako sya na bayaran lahat pati ang interest pagkababa nya ng Iligan," sabi ni Bernald.

Sa pinag-isang birthday celebration ng kanyang mga magulang noong June 26, nagawa pa ni John na tumawag bago sya sumuong sa kanyang delikadong misyon.

"Binati nya kami ng tatay nya ng happy birthday. Masaya naman ang boses nya habang kami ay nag-uusap. Iyon pala ang pinakahuli naming kwentuhan," kwento ni Aling Jezebel na napaluha sa sinapit ng mahal na anak. 

Sa kwento ni Marianne, gabi-gabi syang tinatawagan ni Pvt Bernaldez na tinatawag nyang si 'Toto Puloy', nang madestino ito sa Marawi. 

"Parati nyang kinukumusta ang pag-aaral ko at kung ano ang ulam namin sa bahay. Humingi pa sya sa akin ng pasensya noong June 23 dahil hindi nya ako mapadalhan ng gift sa aking birthday," sabi nya. 


Tribute to a hero

Si John ay bibigyan ng tribute ng Provincial Government ng Sultan Kudarat sa ika-28 ng Hulyo 2017, isang araw bago ito ilibing. Pangunahan ni Hon. Sultan Pax S Mangudadatu, ang gobernador ng lalawigan ang seremonya na gaganapin sa kapitolyo. 

"Kinikilala namin si Pfc Bernaldez bilang bayani ng Sultan Kudarat dahil sa pag-alay nya ng kanyang buhay para ipagtanggol ang mamamayan mula sa mga terorista," sabi ng butihing gobernador. 

Nakakwentuhan ko ang mga kapamilya ni Pfc John Bernaldez. Nasa larawan ang kanyang mga kapatid at ang pamangkin na si Marianne (pinakakanan).

 Nagbigay pugay ako sa bayaning si Pfc John Bernaldez na miyembro ng 7th Scout Ranger Company na kung saan ako ay naging miyembro noong ako ay segunda kamote pa lamang.


5 comments:

  1. Heartfelt salute to our gallant Filipino brother- and sister- soldiers and sincerest condolences to their bereaved families. There is no greater sacrifice and honor than to die for your country and fellow Filipino.

    Thank you, Lt. Col. Harold Cabunoc. You are truly a master-class warrior, public servant, and communicator. God bless you and your inspiring endeavors.

    -NYC

    ReplyDelete
  2. This is heartbreaking.. My snappiest salute to a gallant warrior.

    Thank you for this story Sir Harold.

    ReplyDelete
  3. Thank you for your service and for telling the stories of these brave fighting men.

    ReplyDelete
  4. Philippine Soldiers Are Bred to be experts in jungle warfare, even the Special Forces or the Light Reaction Regiment and more so the World Renowned " Musangs" are not ready for this type of warfare. Equipments not fit for Urban warfare. The only thing they were able to use from training is Initiative which every Filipino Soldier has especially the Officers, basing on a Retired Army Grunts Point of View given complete equipment specialized for urban Warfare. A company from FSSR could have finished the fight within a month with Less Casualties.

    ReplyDelete
  5. I salute the brave for fighting .. thank you so much
    Balita
    Balita Ngayon

    ReplyDelete