Pages

Tuesday, August 12, 2014

Ang pagkahuli ng armadong UP students sa Nueva Ecija



Muli, meron na namang mga kabataan ang nagpauto sa CPP-NPA-NDF na umanib sa armadong grupo. Dalawa sa kanila ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Army na nag-serve ng warrant of arrest para sungkitin ang tigasin na bandidong si Ely Taray a.k.a. Omeng, noong August 9, 2014 sa Caranglan, Nueva Ecija. 

Madulas pa sa palos na naglahong parang bula si Taray ngunit naabutan naman ang dalawang kabataan sina Gerald Salonga, 24, at si Guiller Cadano, 22,  na may bitbit na mga armas at granada. 

Sina Cadano at Salonga ay pawang UP graduates na sumanib sa Kabataan at Anakbayan party-list group, mga kilalang kaalyado ng CPP-NPA-NDF. 

Nasamsam mula sa mga akusado ang dalawang 9mm pistol, dalawang MK2 fragmentation grenade at mga dokumentong naglalaman ng mga aral ng komunistang grupo.

Hindi pa naman makumpirma kung sumampa na ang dalawang dalawang aktibista sa armadong grupo ngunit isang paglabag sa batas ang pagbibitbit ng armas ng kahit sinong mamamayan ng Pilipinas.

Batid din naming mga sundalo na napakaraming nanggaling sa mga legal organizations kagaya ng LFS at Anakbayan na sumampa sa armadong grupo. Maglolokohan pa ba tayo dyan?

Walang kinalaman ang kanilang pagiging UP graduate o pagiging miyembro ng Kabataan o Anakbayan ang kanilang pagkahuli. Dahil wala silang maiprisintang kaukulang papeles sa mga armas na dala, sila ay arestado. 

Sa ngayon, sila ay considered innocent at bigyan ng karapatan na kumuha ng abogado upang ipagtanggol ang sarili sa kinakaharap na kasong illegal possession of firearms and explosives. 

AFP, inireklamo

Nang mapag-alaman ang pagka-aresto ng dalawang kabataan, agad na nag-iingay ang kanilang mga kaalyado at mga kaibigan dahil diumano sa alegasyong 'abduction' ang ginawa ng mga sundalo. 

Kasama sa nagrereklamo ay ang KARAPATAN-Nueva Ecija na nag-aakusa ng pang-aabuso sa hanay ng mga sundalo at kapulisan. 

Ano ba namang 'abduction' yan na gagamitan pa ng warrant of arrest at i-coordinate pa sa mga lokal na opisyal ng barangay? 

Mulat na rin sa katotohanan ang mga kasundaluhan na dapat nilang tumalima sa mga alituntunin sa batas kasama na ang Karapatang Pantao at mga probisyon ng International humanitarian law (IHL) na syang isinusulong sa IPSP Bayanihan. 

Ang nakapagtataka lang sa mga reklamador na ito, hindi nila ipinagkakanulo ang mga bandidong NPA na tuloy-tuloy ang pangongotong, panlilinlang ng kabataan at panglilikida ng mga pinaghihinalaang military informants at maging kasamahang pinagdududahan, sa kanilang layuning isulong ang armadong pakikibaka. 

Iyong nagtapon ng granada sa Paquibato District na ikinasugat sa mga paslit, inireklamo ba ng KARAPATAN o kahit sino sa mga iyan? Wala, as in tikom ang bibig! 

Hindi rin naman kami bulag sa AFP at PNP sa katotohanang ginagamit ang mga lehitimong isyu kagaya ng kurapsyon at kahirapan para mahikayat ang mga kabataan na sumanib sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit may mga magulang na nagugulantang na lang dahil ang pinag-aaral na anak ay namumundok na pala at marami sa mga ito ay nasawi sa mga bakbakan. 

Pakinggan nyo ang You Tube video ni Jelyn Dayong,  isang menor de edad na pinasampa ng mga bandido sa armadong kilusan:



Isa lang si Dayong sa marami pang mga kabataang naloko ng CPP-NPA-NDF para sumanib sa bandidong grupo. Malaki ang kanyang pasalamat na sya ay nabigyan ng pagkakataon na magbagong buhay at makapagsilbi sa bayan.

Ito ang challenge sa aming mga sundalo at pulis na naaatasan na sugpuin ang mga kriminal na armadong miyembro ng CPP-NPA-NDF: Kung mahuli sila, sasabihin nilang 'ordinaryong sibilyan' sila at lalo nang "UP alumni" lamang sila. 

Sa tagal ng pakikidigma namin sa mga bandido, sanay na rin kami sa pagpapalusot na ginagawa nila, at kaya naman ay sinisigurado naming nasa lehitimong proseso ang aming ginagawa. Siguro, kapag namamaril na sila at pasabugan ng landmine ng sundalo at pulis, doon lang sila maghayag na mga bandidong NPA nga sila. I-Youtube nyo pa!

Mga kapatid, sa husgado na lang kayo magpaliwanag! 




1 comment:

  1. Da! Pungot mga ing aning mga tawo ay! UP graduate ---buot ipasabot ani iskolar ng bayan --naa tay 1cent from our tax sa ilang pg iskuela...paita...

    ReplyDelete