Pages

Friday, February 08, 2013

Military name-calling: What is in a name?


Sa US Armed Forces man o sa Armed Forces of the Philippines, merong 'name-calling' na tradisyon sa mga sundalo.
 
Karamihan sa mga pangalan na ipinapangtawag sa mga sundalo ay nagsimula sa Philippine Military Academy na syang nag-produce ng mga opisyal na kasama sa namumuno sa Sandatahang Lakas hanggang sa ngayon.
 
Kalimitan ang mga tawagan ay base sa tunay na pangalan at ang iba ay imbentong Pinoy lamang.
 
Pati ang mga 'cadet lingo' ay galing din sa mga terminologies na nakagawian at napasa-pasa sa mga sumusunod na henerasyon.
 
Sa mga sundalo, ang last name o apelyido ang nakatatak sa name cloth o name tag na ikinakabit sa dibdib, kaya kalimitan ay apelyido ang ginagamit na pag-tawag sa kasamahan.
 
Ito ang ang mga halimbawa na mga tawagan hango sa apelyido:
 
Tunay na apelyido                              Military name
 
1. Bautista                                             Bote
2. Dela Cruz/ Cruz                                Kru
3. Santos                                               Anto
4. Villanueva                                        Banaba
5. Mariano                                            Nano
6. Reyes                                                Rayot
7. Pascual                                             Paskie
8. De Villa o De Vela                          Dabong
9. Ramos                                              Somar
10. Flores                                             Florot
 
 
Meron ding mga pangalang naikabit dahil sa nakakatuwang sitwasyon na naikakabit sa kanilang pangalan o kaya sa mga probinsyang pinanggalingan kagaya ng sumusunod:
 
1. Boy Tsinelas-ang kadeteng nakaiwan ng tsinelas habang nang-gagapang ng tutong sa mess hall, at dahil me tatak ito ng apelyido, nahuli sya ng Tactical Officer
 
2. Boy Kutsilyo-ang sundalong hinabol ng kanyang galit na girlfriend gamit ang kutsilyo
 
3. Pogi--ang sundalo na laging may bitbit na Eskinol at punas nang punas ng kanyang delicate skin kahit nasa gubat
 
4. Sarge-ang mga opisyal na dating enlisted personnel ngunit pinalad na ma-commission sa regular force
 
5. Toto- ang mga opisyal na taga Iloilo o kaya ay Ilonggo speaking
 
6. Lakay- ang mga sundalo na taga northern Luzon o kaya ay nagsasalita ng Ilokano
 
7. Dudung--ang mga sundalo na mga 'Bisdak' o Cebuano speaking
 
8. Aki-- ang tawag sa mga sundalong Maranao
 
9. Boloy--ang generic name ng mga Private o kaya mga aplikante ng Candidate Soldiers. Hango sa Visayan term 'boloyagon' (pasaway).
 
10. Boy Kitkit--ang sundalong mahilig gumamit ng VHF radio para makipagkaibigan ng mga girls sa ere.
 
 
Kung ano man ang tawagan na nakagawian ng mga sundalo, ito ay bahagi na sa mga kinagisnang tradisyon sa militar.
 
Kahit hindi naman ito ang tunay mong palayaw, nasasanay ka na rin kung ito ay araw-araw mong naririninig sa mga trainors at mga kasamahang nakakopya nito.

Ang mga tawagang ito ay bahagi sa buhay sundalo na ipinagmamalaki ng lahat na nakapasok sa serbisyo militar.
 
 Minsan, ang mga nakaranas lamang ng buhay 'mess kit' ang nakakaintindi rito.
 
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment