Pages

Sunday, February 24, 2013

Ang SF at ang SR: The untold story


Ang SF (Special Forces) at ang SR (Scout Ranger) ay ang dalawang elite forces ng Philippine Army. 

Ang mga SF ay napapahanay sa Special Forces Regiment (Airborne) samantalang ang SR ay sa First Scout Ranger Regiment.

Parehas na batikan sa pakikidigma ang SF at SR ngunit magkaiba ang kanilang training at mga misyon. 

Ang SF ay kalimitang binibigyan ng trabahong i-organisa, sanayin at bigyan ng kakayahan ang indigenous forces para ipagtanggol ang kanilang komunidad laban sa mga armadong grupong nanggugulo sa kanilang lugar. Dahil dito ang SF ang nangangasiwa sa paramilitary forces na kilala sa pangalang CAFGU (Citizen's Armed Forces Geographical Unit). Marami ring higher level training ang SF kagaya ng military free fall, scuba, intelligence/operations at iba pa.

Samantala, ang SR ay ang rapid deployment force ng Armed Forces of the Philippines na binibigyan ng mga misyon na sagupain ang mga pasaway na armadong grupo na pinipilit na gumamit ng karahasan laban sa mga mamamayan at sa mga pasilidad o interes ng pamahalaan.

Ang mga SR ay kilalang magaling sa pakikidigma sa mga bandido sa kahit anong terrain at weather conditions. Dahil dito, hinubog ang Scout Rangers sa mahihirap na sitwasyon sa pagsasanay upang maihanda sila sa mabibigat nilang responsibilidad. Bihasa ang SR sa tracking/countertracking, sniping, reconnaissance operations at long range patrols.

Maihahambing ang SR sa firefighters. Kung nasaan ang mga bandido o mga kaguluhang pakana ng mga terorista at bandido, andon ang mga Scout Rangers. Lagi silang present sa mga gyera.

Yabangan ng SR at SF

Dahil panay sila mga miyembro ng elite forces, di maiiwasan na ang mga sundalo na miyembro dito ay nagyayabangan. Minsan ay umaabot pa ito sa suntukan lalo na pag sa inuman ang tikalan ng mga ito at walang opisyal na namamagitan sa kanila. 

Sabi kasi ng SF, 'ngirngir' ang mga Ranger. Ang ibig sabihin, madudungis at hindi marunong mag-ayos sa sarili. Ika pa ay 'Super Rugged' ang kahulugan ng SR. Ang pikon na musang ay galit pag tawaging 'ngirngir'. Paano naman kasi, pag sa garrison, kuntodo shine ng sapatos ang SF at plastado lahat ang uniporme kapag sinusuot. Snappy silang tingnan.

Samantala, para makabawi ay inaakusahan ng pikon na Musang na 'Super Forms' (SF) ang kanilang mga kapatid na Special Forces. Panay porma lang daw. Kalimitan, ipinagyayabang ng pikon na Musang ang maraming napatay na bandido, malalayong gubat na nilakad at paramihan ng bakbakan na nadaanan. 

Karagdagan pa dyan, nagkakantyawan pa ang SF at SR sa kanilang suot-suot na badge. Ang SF badge kasi ay binubuo ng tatlong sibat (Spear) at ang sa SR ay isang knife (tabak) na napagkakamalan ding sibat.

Sabi ng SR, 'maro-maro' at mahilig mag-eskapo sa trabaho ang mga SF at ito ay nakikita sa kanilang badge na tatlong 'sibat'. Ang kahulugan daw nito ay sibat sa umaga, sibat sa tanghali at sibat sa hapon!

Bawi naman ng mga SF, mas layasin daw ang mga Musang at nakikita sa kanilang tabak o sibat. Dahil malaki ito, ang kahulugan daw ay sibaaaaaaaaaaaaaaaaat! Umaabot ng 3 days kung lumayas, matagal bumalik sa duty.

Ang mga yabangan na ito ay  nabawasan nang pag-isahin ang SR at SF noong 1996 para mapabilang sa Special Operations Command (SOCOM). Dahil magkaisa na sila, napagbabalingan sa pakikipagyabangan ang mga kapatid nilang miyembro ng Da Pyu, Da Prawd, Da Marines! (Kokonti na nga lang, mayayabang pa!)


Di nag-shine

Minsan ay nagkaroon ng ranks inspection sa SOCOM. Ang inspecting officer ay si SF Captain  Kulas at kinilatis nya ang SR na si  Sergeant Boloy na hindi man lang nagawang mag-shine ng boots. 

"Sergeant Boloy, mukhang di ka man lang nag-attempt mag-pakinis ng boots mo! Bakit di ka nag-shine?"

Confident na sumagot si Sgt Boloy at nakahanap ng palusot at sinabing, "Sir, di ba iyon ang itinuro mo sa amin?"

Nainis si Captain Kulas at umaalingawngaw ang sagot: "Anong itinuro eh ang pagpapa-snappy lagi ang ating kultura dito sa SOCOM. Yan ang turo!"

"Sir, itinuro mo sa amin noong nakaraang linggo ay DO NOT OUTSHINE YOUR MASTER!"

Natameme ang SF officer. Tinawanan sya ng kanyang tropang halu-halong grupo ng Super Rugged at Super Forms.


3 comments: