Pages

Saturday, December 08, 2012

'Military Time': Ang disiplinang nakakalimutan


Ang sundalo ay sinasanay sa pagsunod sa tamang oras sa lahat ng mga military duties kagaya ng Saturday Inspection na nasa larawan. (Photo by Major Harold Cabunoc)

Kilala ang mga sundalo sa tinaguriang 'military time' sa mga appointments. Ang ibig sabihin, 'on time' ang kausap mo kapag sya ay militar dahil ito ang kanyang nakagawiang training.

Ano nga ba talaga ang 'military time'? Ginagawa pa rin ba ito pagkatapos ng basic military training o kaya kung nasa labas ng military organization? Maganda ba itong kopyahin ng mga sibilyan?

Let me answer by sharing my own experiences as a soldier.

Nang pumasok ako sa Philippine Military Academy noong 1990, doon ko lang nalaman ano ang military time. Lahat kasi ng aming ginagawa ay inoorasan.

Pagkatapos ng aming reception ceremony, ito ang isa sa pinakaunang kautusan na aking narinig mula sa aking squad leader na si Cadet Mafelino 'Mafie' Bazar: "In 10 counts, dapat nakapalit na kayo ng uniporme!" Sinundan pa ito kinaumagahan ng kakagulat na: "In 10counts, dapat nakaligo at nakapag-toothbrush na kayo!"

Does it sound impossible? Experience basic military training and find out.

Sa araw-araw ng aming buhay, merong 'calls' bago ang ang mga duties. Ang 'call' ay ang pag-aanunsyo ng duty na may kaakibat na time restrictions.

Merong 'calls' ang kagaya ng pagkain, pag-punta sa class, athletics, parada at maging pag-attend ng religious activities.

Kailangang on time kami sa formation or else, nakakatakot na kaparusahan mula sa mga senior o kaya demerits at punishment tours ang aabutin kapag makita ng mga Tactical Officers. Pati mga cadet officers ay obliged mag report ng completeness ng mga tauhan kaya mahirap itong mapalampas.

Bago ang isang duty, merong nag-aannounce na "It is now ten minutes before first call for morning mess". After ng first call, merong kasunod na 'Assembly call' at  'Attention call' na kung saan ay dapat kumpleto at accounted na ang lahat sa formation area.

Lahat na late dumating ay nalilintikan at minamalas pa. Ganon na lang ang pagsunod namin sa regulasyon dahil dito.


Observing 'military time'

Sa mga ganon ka-simpleng training, hinuhubog ang mga sundalo kung paano habulin ang time limits para makarating sa tamang oras sa mga duties. Dapat mabilis ang kilos sa pagkain, pagbihis, pagligo at pag-aayos sa sarili at hindi pwede ang palamya-lamya.

Kahit saan man ako napupunta ay very particular ako sa military time. Para sa akin, kapag nag-set ng time ng meeting o kaya ng appointment, dapat on time dahil 'usapang lalaki' kumbaga ang bagay na iyan.

Naiinis ako sa mga nagpapaantay at walang pakialam sa nag-aantay. Dahil dyan, ayaw ko ring mag-paantay. Golden rule kumbaga.

Sa aking mga tauhan, kapag di dumadating sa tamang oras ay merong kalagyan lalo na walang valid reason.

Kung pinapayagan ko ng privilege (passes o Rest and Recreation), inaasahan ko na makakarating sa tamang oras, otherwise, markahan ko ng AWOL (Absent Without Official Leave) kung walang valid reason na hindi makakarating sa kampo on time.

Nang nasa Basilan at Jolo naka-destino ang aking kumpanya, ginawa kong 21 days ang duration ng RR upang me travel allowance ang tropa. Pinapagplano ko rin sila bago magpaschedule ng uwi para makakuha agad ng murang tiket.

Para sa akin, hindi rason ang 'naiwan ng barko' o 'di nakabili ng tiket' o kaya ang balasubas na rason na 'naubusan ng pambili ng tiket' kaya di nakabalik.

Kapag meron akong lakad kasama ang tropa, sinisigurado ko na ako ay on time mismo.

Sa dalawang pagkakataon nang ako ay nasa Bicol, iniwan ko ang aking duty driver dahil hindi nagising sa tamang oras, at ako na mismo nagmaneho ng 9 hrs mag-isa pa-Manila. Nalilintikan syempre ang walang disiplina para magtanda.

Sa mga nag-oopisina sa Manila na supposedly required pumasok ng 8:00am, hindi rason ang heavy traffic para maging late. Nasa tao na yan kung gusto nyang makarating ng oras bilang obligasyon.

Sa nasa gobyerno, ay tila  'nagpapakapal muks' kang tumatanggap ng kumpletong sweldo samantalang hindi mo naman ito pinagtrabahuan. Para sa akin, unfair yan sa taxpayers kung gusto ng government employee na tumanggap ng kumpletong sweldo pero kinukulangan ang oras sa serbisyo. 

Sa mga circumstances na hindi talaga makarating sa oras sa mga meetings, responsibilidad ng late comer ang humingi ng paumanhin sa kausap.


Manana habit vs military time

Isa sa dahilan kung bakit lagi late sa mga meetings o kaya sa mga taskings/compliances ay ang sakit na ipinamana ng mga Espanyol na kung tawagin ay "Maniana" (mamaya na).

Instead na gumising ng maaga, laging 'mamaya na' konti. In the end, parating late. Di ako pumapayag sa balasubas na sistemang ganyan.

Dahil dyan, nakagawian namin sa militar ang sistemang nilalagyan lagi ng kaakibat na time frame ang bawat task. Alam namin ang time frame mula sa pagplano ng misyon at sa execution nito.

Nakasanayan na rin namin na merong kaparusahan kapag kami ay nali-late sa aming tasking. Dahil dyan, napakahalaga sa aming mga militar ang time management.

Nang bumalik ako sa US para sa isang leadership training program na kung tawagin ay International Visitors Leadership Program (IVLP), na-confirm ko pa lalo na ang mga Amerikano ay malaking pagpapahalaga sa oras.

Kuha ang larawan sa aking IVLP engagement sa Washington D.C. Dahil tila ay watawat ng Pilipinas ang aming pagmumukha, sinisigurado naming hindi kami pahuli-huli sa mga engagements dahil on-time silang lahat. (Photo by Major Harold Cabunoc)


Halimbawa, kapag sinabi ng aming English Language Officer na 'Let's meet at the lobby at 8:00am', makikita mo sya na andon na at least 5 minutes earlier. Samantala, makikita mo na rin ang driver na nakatayo sa entrance at nag-aantay.

Dahil sa aking military training at pag-observe nito sa kasalukuyan, never akong late sa appointments. Napakasimple ng aking ginawa: Sinusunod ko ang pagpunta sa meeting place 10 minutes before the agreed time, kagaya ng sistema namin sa Philippine Military Academy at sa Scout Ranger Training School.


Lost time, lost money


Kung kwentahin, malaki ang nawawalang pera dahil sa tardiness. Maraming trabaho ang hindi nagagawa at mga oportunidad na napapalampas.

Halimbawa kung ang katumbas na per hour sa sweldo ng isang government employee ay P300.00, isipin mo kung magkano nawawala dahil sa mga walang pakundangang tauhan na pumasok na huli sa takdang oras?

Halimbawa, kung sa isang ahensya ay 1,000 tao ang late, P300,000.00 ang nawala sa pamahalaan sa isang araw. Ang tanong, iilan sa sobra isang milyong government employees ang me sakit na tardiness?

Dahil diyan, sinisigurado ko lagi na sa sarili ko pa lamang ay hindi lugi ang gobyerno. Sa aking opisina, ako ang pinakaunang pumasok, at pinakahuling umalis.

Maliban pa dyan, hindi ko rin hinahayaang balasubas ang aking mga tauhan sa kanilang responsibilidad na pumasok sa takdang panahon.

Kung maraming Pilipino ay walang pakialam sa simpleng pagsunod sa tamang oras, dapat pag-isipan natin itong mabuti kung ito ba ay tama. Para sa akin, dapat itong baguhin at magsimula lagi ito sa aking munting mundong ginagalawan.

Ikaw ba ay may sakit na 'maniana'? Madali lang yang gamutin. I-train kita sa 'military time' sa Ranger School.





6 comments:

  1. sana makapasok ako jan sir... i like military time... pero wala ako sakit na maniana... hahahaha...

    ReplyDelete
  2. Major Cabunoc for President!!

    ReplyDelete
  3. "Military Time" Ramdam na ramdam namen yan when we were in Honor Guard Battalion ng Phil Army (SEBN) 3 to 4 hours before ng engagement o ng activities nasa area na kme, sa mga arrival honor 2-3 hours nkaparade rest na before dumating ang guest and even sa mga parade rehearsals..kaya naadopt na namen ung "military time" kahit sa anong bagay na gagawin you need to come as early as possible kase nkakahiya na mahuli at masabihan na walang desiplina....mas maaga mas maganda..ika nga mas talo ng taong maagap ang taong masipag..tama ba? hehehe cheers!!

    ReplyDelete
  4. Okay talaga pag ganyan ang disiplina kaya dapat panatiliin ang ganyang kultura kahit sa mga engagements sa labas ng military organization.

    Huwag magpapaantay sa mga kausap at sa mga engagements with civilians. Hindi rason na meron tayong ranggo o feeling VIP tayo kaya dapat inaantay.

    Kasi disiplinado tayo, always be on time!

    ReplyDelete
  5. Sir si PSSUPT MAFELINO ASPERO BAZAR po ang syang Battalion Commander po namin nagun d2 sa RPSB 4A po...;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Best regards to my snappy Squad Leader sa PMA during my 'beast barracks' days (summer camp) in April 1990.

      Delete