Pages

Thursday, October 04, 2012

Ang solusyon ni Colonel Botyok



Si Sgt Boloy ay isa sa driver ng military trucks na ginagamit ng kanyang yunit na assigned sa Basilan Province.

Ang kanyang boss na si Colonel Botyok ay mahigpit sa pag-manage ng kanilang fuel resources. Kwentado lahat ang fuel ng mga sasakyan at binibilang kung iilang litro i-release base sa layo ng tatakbuhin ng sasakyan.
Isang araw, may byahe si Sgt Boloy papuntang Isabela City na humigit kumulang sa 20 kilometro ang layo mula sa kampo nila.
Pumunta sya kay Colonel Boloy para mag-withdraw ng fuel. Naka kunot-noo na naman si Colonel nang kanyang nilapitan upang saluduhan.
"Good morning sir, mag-withdraw po sana ng diesel para sa M35 truck natin sir".
Hinugot ni Colonel Botyok ang kanyang calculator at ipinakita kay Sgt Boloy ang computation.

"Ayan na makukuha mo, 5 liters kasi 40 kilometers ang total na tatakbuhin mo. Ang rate of consumption ng makina ng sasakyan mo ay 1 liter every 8 kilometers," sabi ni Colonel Botyok.

"Pero sir, halos said na yang tangke ko, paano kung kulangin ako?"
"Damuho, di ka kukulangin. Wag kasi kayo kung saan saan pumunta at paikot-ikot don sa Isabela!"
Kamot-ulo si Sgt Boloy na umalis at nagbyahe kasama ang mga sundalong mag-marketing ng pagkain para sa kanilang combat operations.
Habang inaakyat ng sasakyan ang isang matarik na kalsada sa lugar, tumirik ang sasakyan ni Sgt Boloy na tila naubusan ng fuel. Agad syang tumawag sa radyo upang kausapin si Colonel Botyok.
"Sir, ito na sinasabi ko sayo. Tumirik na kami dito sa paakyat na kalsada dahil ang fuel ay nasa likurang bahagi na ng tangke kaya wala nang masipsip yong makina," paliwanag ni Sgt Boloy.
"Madali lang yang problema kung gamitin mo utak mo. I-maniobra mo sasakyan at ipaatras mo itong paakyat sa bundok para pumunta sa harapang bahagi ang fuel!"



No comments:

Post a Comment