Pages

Saturday, October 27, 2012

Ang aking 'school boy complexion' sa Scout Ranger Training School



Ang musang at ang tabak ay ang mga simbolo ng Scout Rangers. Ang tabak ay ang ibinibigay sa mga nakakatapos ng Scout Ranger Course. Ang musang patch naman ay isinusuot lamang ng mga organic personnel ng First Scout Ranger Regiment. (Photo by Ranger Cesar Cuenca)


Noong February 1995, isa ako sa limang opisyal na pinaunang mag-undergo ng 6-month Scout Ranger Couse sa Scout Ranger Training School ng Philippine Army.

Ang kurso na ito ay sinasabing toughest combat training in the Philippine military, ngunit napakagandang makamtan dahil makatotohanang combat leadership training and madaraanan dito. 

Marami ang naaakit na kunin ang kursong ito dahil kilala ang mga Scout Rangers sa kanilang mga daring feats na tila ay imposibleng maisakatuparan. 

Marami ang mga combat accomplishments ng AFP ang naisakatuparan dahil sa katapangan at kagalingan ng mga Scout Rangers simula pa noong 1950s na kung saan sila ay napasabak sa labanan kontra mga Huk, hanggang noong 1970s at sa mga sumunod na dekada. 

Ang iilan sa mga kilalang bantayog sa Scout Ranger ranks ay sina Rafael Ileto,  Weenee Martillana, Julius Javier, Robert Edward Lucero, at marami pang iba.

Tatlo ang  traits na meron ang isang mandirigmang Scout Ranger: skill, stamina, spirit. Ika nga, pag meron ka nyang tatlong iyan, lagi kang panalo.


Challenging and exciting

Pawang mga volunteers lamang ang kalimitang sundalong kumukuha ng SR Course dahil sa talagang dugo at pawis ang puhunan para makuha ang Scout Ranger tab. 

Maliban sa mga organic personnel ng First Scout Ranger Regiment ay meron ding quota para sa kursong ito mula sa mga infantry divisions na nagpapadala ng mga sundalo para magkaroon ng mapagkatiwalaang combat operators sa mga units. 

Noong panahon namin, ang training phases ng SR course ay ayon sa mga sumusunod:

  1. Individual training phase
  2. Scout Ranger Team training phase
  3. Section and Platoon training phase
  4. Specialization training phase
  5. Test mission
  
Ang tirahan ng mga SR students ay ang tents na kagaya nito na kung saan ay dalawahan o magka-buddy ang magkasama sa lungga  sa whole duration ng training. Ang tawag sa lugar na kinalagyan ng tent city ng mga Rangers ay 'Jurassic Park'.


Madali lang ang academic requirements sa SR course ngunit mahirap ang physical training aspect pati na rin ang practical exercises. 

Sa aking team na napuntahan, lima ang Ilokano at dalawa kami ang mga Bisaya. Lahat silang mga teammates ko ay may karanasan na sa field kaya kinokonsulta ko rin sila sa mga bagay-bagay na tipong alam nila.

Isa lang yong medyo mahina sa aming team at ang ginagawa namin kapag takbuhan ng Team Run ay halinhinan kaming mga mas malalakas para buhatin ang kanyang baril at rucksack. Hindi kasi pwedeng iwanan ang teammate dahil ang grado ng isa ay grado ng lahat.

Normal na ang tumatakbo 15-20kms tuwing umaga at me dala pa kaming 20-kgs ruck pati M16 rifle. Kalimitan ay 11:00pm kami pinapatulog at 4:00am ang pag-gising para sa aming reveille exercises. Subalit, kapag nasa practical exercises upang magsasanay sa mga direct action missions ay walang tulugan.

Kapag manok ang ipinapaulam sa gabi, ang pang-asar kinaumagahan ay napakalayong takbuhan at idinadaan kami palagi sa mga rough roads na maputik ang daanan. 

Pagkatapos na tumakbo sa umaga, kasama sa routine ng mga estudyante ng SR course ay ang mag-pull up bago kumain. Minimum na 8 repetitions ang requirement para makasama sa pila ng pagkain. Kung kapos ang pull up ay binibigyan muna ng 'extra viand' na exercises bago pumila sa mess hall. 


Parte ng tradisyon ay meron kaming lubluban na tila ay palamigan ng kalabaw. Doon pinaparusahan ang mga indibidwal o team na nagkasala kagaya ng pahuli-huli sa takbuhan at yong hindi sabay-sabay mag-execute ng calisthenics.

Dahil sa lubluban ay kalimitan kaming amoy kalabaw o amoy musang (civet cat) na syang aming mascot. Dito lalong na-develop ang tanyag na 'school boy' complexion. 

Me malalim na rason bakit kailangang amoy hayop ang mga Rangers. Pagdating kasi sa bundok, kailangang hindi kami mag-amoy tao upang hindi ma-detect ng mga kalabang gerilya.

Lahat ng mga skills na kailangan sa pakikidigma ay hinahasa sa Scout Ranger school kagaya ng marksmanship, map reading and land navigation, tracking/countertracking at reconnaissance, at pati na rin radio communications.

Ang pinakamahalaga rito ay ang combat leadership skill na hinuhubog sa pamamagitan ng makatotohanang mga sitwasyon na dapat suungin ng bawat estudyante. 

Halimbawa, ang bawat estudyante ay makaranas magdala ng patrol at magsakatuparan ng isang mahirap na combat mission kagaya ng raid o ambush.

Palitan kaming itinatalagang Patrol Leader (Team, Section at Platoon level) at doon nahahasa ang kaalaman sa pagdadala ng tao para mag-accomplish ng isang misyon.  Ang Patrol leader ang laging nangunguna simula sa mission planning hanggang sa execution at sa after action review.

Ang nagdadala sa patrol ang dumidiskarte sa lahat ng bagay upang mag-survive ang mga miyembro ng kanyang maliit na yunit. 

Dapat magaling sya sa terrain analysis, estimate of the situation at dapat meron syang credibility na magpasunod sa kanyang mga tauhan. 

 Isa rin sa mahalagang ginagawa ng Rangers ay ang paulit-ulit na pagsagawa ng Immediate Action Drills (IAD). Lahat ng klaseng scenario ay aming inaaral at pinapraktis sa practical exercises. 

Kahit pagpalit-palitin ang aming pwesto o designation, alam namin ang aming gagawin para sa isang sitwasyon kagaya ng isang ambush, counter sniping at react to contact.

Araw-araw ay nagre-recite kami ng Ranger's Creed at nakasaad dito ang mga katagang ito: "I will never leave a fallen comrade in the hands of the enemy" at "Surrender is not a Ranger word.".

Ang mga aral na iyon ang syang gabay lagi ng mga Scout Ranger na nagpapatibay sa aming samahan kahit sa ano mang mahihirap na misyon. Kilala ang mga Scout Rangers sa kasabihang "Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya.".

Pagkatapos ng limang buwan na masinsinang pagsasanay sa kabundukan ng Tanay, Rizal, dumating din ang takdang panahon na pinakaaantay ng lahat, ang isang buwang Test Mission

Ito ang parte ng OPORD briefing na aming natanggap:

Enemy Situation:   The bandits who attacked Ipil town have splintered into smaller groups around Zamboanga Peninsula. At least 50 of the bandits led by a certain Kumander Bangga and Kumander Aguila are currently roaming around Sirawai-Siocon-Sibuco (SSS) complex. They are armed with assorted highpowered firearms including M16 Rifles, M14 Rifles and AK 47 Rifles. They have received training on demolitions and they are capable of conducting sabotage operations and attacks against government installations and civilian population.

Ang paghahanap sa mga bandido na kasama sa infamous Ipil Raid  ang aming misyon sa SSS noong July-August 1995.

Nang pumipila kami sa pagsakay sa C130 sa Villamor Airbase, naalala ko ang aming paboritong chanting: "C130 rolling down the strip. Airborne Rangers take a little trip. Mission unspoken destination unknown, I don't even know if ever I'm coming home".


4 comments:

  1. Ranger C,

    Thanks for posting this. You said, "Tatlo ang traits na meron ang isang mandirigmang Scout Ranger: skill, stamina, spirit. Ika nga, pag meron ka nyang tatlong iyan, lagi kang panalo."

    Here in this blog sir. I can feel that spirit. Hehe!

    Question Sir, after being a Ranger. Can he still be demoted from being one? I mean, you said, about di bale nang mamatay, wag lang mapahiya...

    Surely, in this world, we have had mistakes and sometimes we do feel ashamed about it. Are there grave offenses for instance that a Ranger can be demoted from being one?

    Thanks! Tulog nako sir. . . Thanks for the bed time stories. hehe!

    God Bless!

    Best Regards,
    Drey Roque
    (pagduaw.com)

    PS. Sir, murag makadaog sab ta ug swertres kung nakit-an taka... Daug dayon ug lotto ang feeling kung nakapapiktyur ko uban ka sir. Sikat man diay kaayo ka sir... hehe!

    ReplyDelete
  2. Good day sir. How are those tents 'assembled'? and are they made up of 2 ponchos? or are they really tents designe' specifically for our soldiers? Looks very very interesting.

    thanks sir!!!

    -imn

    ReplyDelete
  3. san po ba ang campo ng Scout Ranger School yung Main po plsz answer need Answer

    ReplyDelete
  4. Sir good afternoon sir.Sir pede po bang mag volunteer ang isang civilian na pumasok sa Scout Ranger Training Course?Sir thank you sir.

    ReplyDelete