Pages

Wednesday, September 05, 2012

Videoke King General



Sa quarterly 'Happy Hour' o kasayahan na ginaganap sa kampo, dinadaluhan ito ng mga matataas na opisyal at mga kasundaluhan.
Ito ay bahagi sa morale and welfare ng mga kasundaluhan na ang layunin ay matanggal ang mga stress sa trabaho kagaya ng madugong labanan o kaya delikadong rescue operations.
Dahil sa ito ay Command Activity, pati ang Division Commander at ang Sergeant Major ay dumalo rin at kasama sa nakikisaya sa mga halakhakan at inuman kasama ang tropa.

Kalimitan ay nauuwi sa kantahan ang ganitong okasyon. Lahat ay tinatawag para kumanta, kasama syempre ang General hanggang sa lowest mammal.
Syempre di naman lahat magaling kumanta, ngunit, kapag si General o si SM (Sergeant Major) ang bumirit, masigabong palakpakan ang isinasalubong na tila si Bon Jovie ang nasa stage.
Sa isang Happy Hour, nagkatawagan sino kakanta. Kalimitan, most junior o kaya yong mga volunteer ang pinauuna habang pinapainit ni General ang tenga.
Usually,pinapakapal muna ni General ang mukha para di mahiyang bumira ng kagaya ng 'My Way' na facial expression lang ni Frank Sinatra ang kayang gayahin.

Si Captain Boloy ay isa sa mga mga 'kapal-muks' na naunang nag-volunteer na kumanta.

Di maipinta ang facial contortions nya sa kanta nyang 'with feelings' talaga.

Ngunit, nagtataka ang lahat bakit nakasimangot na si General na tila merong kinainisan. Nanlilisik ang mata kay Boloy.

Nang sya ay tinatawag para kumanta na, pumunta sa mikropono at nag-anunsiyo:

"Ayaw ko nang kumanta. Inagaw ni Boloy ang aking 'My Sweet Caroline'!".

Simula noon, 'off-limits' na ang kantang iyon para sa lahat maliban kay General.






1 comment:

  1. When there is a birthday party, town fiesta, baptismal, or any occasion worth celebrating, it is not complete without videoke. Even in holidays or in Sundays, videoke is the way for recreation paired with some little drinks. That's our way in the Philippines.

    ReplyDelete