Pages

Friday, September 07, 2012

Mahangin si General na kababayan



"Mahangin" ang termino sa mga sundalong napakayabang. Kalimitan, pabiro itong itinatawag sa mga Ilonggong sundalo na kilala rin sa tawag na 'tikalon' (mayabang).

Ewan kung bakit ngunit laging ikinakabit ang salitang 'mahangin' kapag ikaw ay Ilonggo. Dahil ata ito sa mga biruang "Ang kwarta sa amon, ginapala kag ginapiko!".

Normally, hindi naman ito ikinagagalit ng mga Ilonggo at sila-sila nga mismo ay 'tikalon' tawag sa kababayang descendant ni Datu Puti at Datu Marikudo.

Ang mga Ilonggo ay sobrang halata kapag nagsasalita kasi sobrang malambing at sila lang ang mayrong ganong tono. Katunayan, kahit na galit na pala ay 'malambing' pa rin ang boses.

Isang araw, hinihilot ni Private Boloy si General Botyok pagkatapos nitong naglaro ng badminton.

Sa kanilang pag-uusap, nahalata ni Boloy na magkabayan sila ni General base sa tono ng kanyang pananalita na meron ding halong Ilonggo ang mga kataga.

Minabuti nyang mag-familiarize kay General at binalak niya itong bolahin.

Habang binabanatan ng Swedish combination with Shiatzu si General, tinanong nya ito: "Ser, Ilonggo ka gid haw?" (Sir, Ilonggo ka ba?)

"Ay oo. Ti, bakit mo gid nabal-an?" (Ah, oo. Bakit mo nalaman?)

"Eh kasi Ser, puno ng hangin ang katawan mo nang hinihilot ko! Bwahahaaha!"

Kinabukasan, natanggap na ni Pvt Boloy ang reassignment orders nya papuntang yunit sa Patikul, Sulu.





2 comments:

  1. hahahaha....seguradu mahangin sa jolu sulo nagliparan ng mga bala at bumabaha ng dugo....kawawang pvt.boloy....

    ReplyDelete
  2. buti nalang hindi sya pinag ligid ligid kag tumbo tumbo gid ah. salamat sa mabangis joke Cdt Cabunzky.

    ReplyDelete