Pages

Saturday, August 18, 2012

Ang butlig ni Sgt Boloy



Naging combat casualty si Sgt Boloy sa isang labanan sa Maguindanao kaya sya ay nadala sa Heroes Ward sa AFP Medical Center.

Pagkatapos ng isang buwang pagpapagaling, nakatanggap ang kanyang Commanding Officer (CO) na si Cpt Botyok ng tawag. Nasa kabilang linya si Sgt Boloy.

"Sir, me problema ako. Kailangan ko ang advice mo at mahirap ito," sabi ni Sgt Boloy.

Minsanan lang tumawag ang Bisayang sundalong si Sgt Boloy. Nag-alala si Cpt Botyok.  "Okay, pwede mo bang sabihin ang problema na yan?"

"Sir, pumunta si Dr. Kulas at ang sabi eh tanggalin daw 'butlig' ko!"

Napangiti si Cpt Botyok. Pakiramdam nya, umandar na naman pagka-komedyante ni Sgt Boloy.

"Eh ano problema don Boloy? Okay lang yon. Ayaw mo kuminis ka pa?"

Humahagulhol na si Sgt Boloy na tila ay gugunaw na ang mundo. "Kasi naman sir, ok lang sana kung 'wan lig' (one leg), ang problema ay but lig (both leg) talaga eh paano na ako makakalakad nyan?"


"Ay damuho kang Bisaya ka! Tawagin mo ang damuhong Doktor!"

1 comment: