Pages

Sunday, January 15, 2012

Manager ng Ro-ro

Kanina lamang (Jan 15), pumasok ako sa paborito kong barbershop na nagpi-pedicure din sa SM Megamall upang masubukan ang magaling nilang serbisyo.

Napansin kong masama ang tingin ng katabi kong barbero na tila ay inuusisa ang aking hitsura.

Di sya nakatiis at sinimulan ang kanyang dialogue habang nakangiti.

"Sir, di ba ikaw ang Manager nong 'Ro-ro?", tanong ni Manong Barber.

Di ko ma-gets ang ibig nyang sabihin at ito ang larawan na sumagi sa isipan ko:

                                            
         
 Mga barkong ginagamit sa roll-on, roll-off shipping o kilala sa tawag na "Ro-ro". Minsan ko nang isinakay ang M151 Kennedy Type Jeep ko dito nang kami ay na-deploy sa Maguindanao noong mid-90s. 

Dahil yon ang agad kong naalala na impormasyon sa katanungan nya, sinagot ko naman syang maayos.

"Ahh, yong barko? Baka nagkamali ka lang eh baka kamukha ko lang yong manager!", sagot ko sa kanya.


"Hindi sir, yong bangka, di ba nanalo kayo ng limang gold sa pagro-ro (pagro-rowing) nyo sa Tampa?", sagot ni Manong Barber at humirit pa: "Di ba Dragon Ball Team kayo?". 

Parang malaglag ako sa upuan ko eh ito alam ko sa Dragon Ball:

Dahil mukha naman syang matino at friendly ang dating, hinayaan ko na lang sya sa kanyang mali-maling terminologies. Na-gets ko na rin na ang mga paddler pala ng Dragon Boat ibig nyang sabihin.

Nang malamang ako nga yong napanood nya sa isang interview pagkabalik galing world championships sa Tampa, nag-anunsiyo pa at proud na proud.

"Uy swerte natin, kliyente natin ang Team Manager ng sikat na Dragon Ball! Dapat matikas ang tip ng nag-gupit ng kuko nya!", patapos nyang hirit. 

                          (Ito pala ang ibig nyang sabihin, ang Dragon Boat Team!)

Ang mga sundalo ng Philippine Army na bumubuo sa Dragon Boat Team. Walang kamukha ni Dragon Ball Z dito.

          Ang mga magagandang dilag na kasama sa Dragon Boat Team. (Tere, Coach Annabs, Amina, Thea)


2 comments:

  1. hahahaha..good laugh!

    ReplyDelete
  2. hahaha..ayos si manong barbero, at naging dragon ball tlaga, si sakuagi lang ang peg nyo sir,...:P

    ReplyDelete