Pages

Saturday, January 07, 2012

Ang 'orig' na Rolex


Dahil sa pursigidong makabenta ng kanyang kalakal na relo, nilapitan ng street vendor na si Umar si Sgt Boloy nang ito ay kasaman naman sa pag-gawa ng school building sa Malamawi Island sa Basilan. 

Inakyat nya si Sgt Boloy na pinagpapawisan pa sa pag-install ng bubungan ng ginagawang silid aralan para sa mga katutubong Sama-Bangingi at Yakan sa naturang lugar.

"Sel, kunin mo na tong Rolex na benta ko. Talagan orihinal at dahil mabait ka sa akin, 50% discount ka!",  pagmamayabang ni Umar.

Inusisa ni Sgt Boloy ang "Rolex" ni Umar. Nagustuhan nya ang hitsura nito. "Baka naman ay madaling masira ito Umar?", tanong nya.

"Hindi sel, orig yan kahit pupukin ng martilyo, hindi yan mababasag. Dahil 'bagay' (Tausug word ng kaibigan) tayo, P1,000.00 na lang yan para sayo", sabi ni Umar.

Hindi pinalampas ni Sgt Boloy ang pagkakataong magka-Rolex sa napakamurang halaga. Binayaran nya agad si Umar. 

"Basta pag masira ito ibabalik ko sayo", habilin nya habang pinakawalan ang katago-tagong dalawang "Ninoy" (P500.00) sa kanyang gula-gulanit na pitaka.

Naalis na si Umar nang ipagyabang ni Sgt Boloy sa kasamang si Cpl Botyok ang kanyang 'Rolex'. 

Sinubukan nya  itong pukpukin ng martilyo. 

"Blag!Sprangklangtilingtilingtiling!" Kakaibang tunog ang kanilang naulinigan. Naghiwa-hiwalay ng piraso-piraso ang kanyang 'Rolex'. 

Naluluha si Sgt Boloy sa kanyang mapait na karanasan. Ang magawa lamang nya ay humagulhol at sumigaw ng mahabang "Umaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar!"

Matagal-tagal ding masama ang kalooban ni Sgt Boloy sa kanyang sinapit na kamalasan ngunit tiniis nya ito hanggang matapos na ang proyektong Kalayaan sa Barangay Project (KBP) sa lalawigan ng Basilan. 

Sya ay pa-byaheng Zamboanga sakay ng Weesam na fast craft nang makita nyang bigla si Umar. Nilapitan nya agad ito.

"Umar, niloko mo ko! Sabi mo hindi mabasag ang 'Rolex' mo kapag pukpukin ng martilyo! Ibalik ko to sayo!", galit nyang sinabi habang inabot ang iilang piraso ng relong nasira.

"Ay sel, bakit mo kasi pinatamaan ng martilyo? Pwede yon pukpukin ng martilyo, wag lang patamaan!", nakangising sagot ni Umar.

No comments:

Post a Comment