Kapag hinog na ang bunga nito ay kinukuha ang mga buto, pwede ring sipsipin muna dahil matamis ito. Pinapatuyo ito at ginigiling upang magiging 'tableya'.
Ito ang hitsura ng tableya pagkatapos itong gilingin at patuyuin. Ganito ang binebenta sa mga tindahan at ginagawang tsokolate sa mga 'painitan', ang tawag sa mga streetside vendors sa northern Mindanao na nagbebenta ng tsokolate.
Nakita nilang may pinagkakaguluhang 'kape' at suman na kung tawagin ay 'budbud'. "Manong, pa-order ng kape," sabi ni Boloy. "Doy, tablea lang meron dito. Ito ang kinakape dito sa aming painitan," sagot ng tindera. Dahil gutom, umorder na ang tatlong privates.
Binigyan silang tatlo ng tig-isang tasa ng tsokolate. Dahil malapot ang pagkatimpla, hindi ito umuusok kahit ubod ito ng init. Hindi ito alam ng mga 'highlander' na kagaya nina Boloy.
Habang nag-aantay sa pinapainit pang order nilang suman, nagbolahan sila habang nakahanda nang uminom ng kape.
Pvt Bang-ngad: Batching, dahil bago tayo sa serbisyo, galingan natin. Wag tayo umuwi kahit isang taon at magpakitang gilas tayo na magagaling tayong sundalo galing sa Cordilleras! Kahit tawagan pa ako ng kaanak ko, di talaga ako uuwi!
Pvt Dul-asen: Ako din Ching, di talaga ako uuwi kahit iyakan pa ako ng aking girlfriend!
Pvt Boloy: Lalo na ako. Dapat maging Best Enlisted Personnel ako after one year para mabilis ang promotion. Walang makakapagpauwi sa akin. No to homesickness!
Hawak ni Pvt Bang-ngad ang kanyang tasa ay nagyabang pang sabi bago lumagok: "Walang uwian!". Nilagok ang tsokolate. Napaso sya ngunit pinigil ang pag-hiyaw. Di nya napigilang tumulo ang luha. Tila ay nalapnos ang buong dila nya.
"Nalungkot ako, di ko mapigilang isipin ang girlfriend ko!", sinungaling na sagot ni Pvt Bang-ngad.
"Hmmmmm. Basta ako, panindigan ko sinabi ko. Lagukin ko nga tsokolate ko!", sabi ni Pvt Dul-asen.
Ganon din nangyari sa kanya. Parang umabot sa lalamunan nya ang pagkapaso sa napakainit na tsokolate. Pinigil din nya ang sumigaw sa init. Ngunit, tumulo luha at sipon nya.
"Anong nangyari sayo at umiiyak ka na?", sabay ang pagtanong ng dalawang kabigang si Pvt Boloy at si Pvt Bang-ngad.
"Basta ako, walang uwian at walang miss-miss na yan!", sabi ni Pvt Boloy at nilagok ang kanyang tsokolate. Sobra din pagkapaso nya. Umabot hangggang tiyan ang init. Nalapnos ata buong lalamunan at dila. Hagulhol ang ginawa nya. Maingay ang kanyang pagtatangis.
"Uy, ano nangyari sayo at para kang namatayan kung umiyak???!!!", sabi ng dalawang kaibigan.
"Naaawa ako sa inyong dalawa Ching! Hu hu hu!", humahagulhol syang nagpaliwanag.
(Damuhong tsokolate to! Sabi nya sa sarili nya)
No comments:
Post a Comment