Pages

Monday, December 26, 2011

Pamasko ni Sgt Boloy


Dahil sa hirap ng buhay, nag-sideline na mamasada si Sgt Boloy gamit ang jeep ng kanyang kumpare habang sya nakabakasyon sa kapaskuhan.

Isang umaga, tinatahak nya ang kahabaan ng Roxas Boulevard nang merong matandang babae ang pumara sa kanya. Umupo ito sa kanyang tabi sa front seat.

Nakita ni Sgt Boloy na tila ay nasunog ang kamay nito at mamasa-masa dahil ito ay may ketong.

Di nya maiwasang mandiri at natakot na mahawa dito. Naisip nyang sya ay mahawa kapag mahawakan nya ang baryang pamasahe nito.

Pinag-isipan nya paano maiwasang mahawa ng pinandirian nyang sakit.

Nasa malalim syang pag-iisip nang maulinigan nya ang tila malalim at garalgal na boses ng matanda.

"Hijo, dito na lang ako sa kanto", sabi nya, sabay abot ng limang pisong pamasahe.

Nabigla si Sgt Boloy ngunit nabawi ang composure upang sumagot. "Lola, wag na po kayong magbayad. Sa ngalan ni Hesus at dahil araw ng Pasko, libre na po pamasahe nyo!"

Nagliwanag ang mukha ng matandang ketongin. Sobra ang kasayahan sa pamasko ni Boloy.

"Salaaaaaaaaaaaamaaaaaaaaaaaaaat!", sabi ng matanda sabay yakap at pisil-pisil sa kanyang ilong at dugtong pang sinabi, "Ang cute-cute mo talaga, mabait pa!"

.....at umuwing luhaan si Sgt Boloy habang hindi mapara ang halakhakan ng lahat na pasahero sa likuran.


(Moral lesson: 'Minsan, ang umiiwas sa baga, napupunta sa siga')






1 comment: