Sunday, August 03, 2014

Three important things to prepare after passing the PMA Entrance Exam

PMA applicants line up for the series of physical and medical examinations (PME) at the AFP Medical Center in V-Luna Road, Quezon City. They were the lucky examinees who passed the PMAEE about 3 months before the scheduled PME. (PMA photo)


Mahirap at napaka-competitive ang PMA Entrance Examinations (PMAEE) na syang pinakaunang pintuan sa pagpasok sa numero unong leadership school sa ating bansa, ang Philippine Military Academy.

More or less 10,000 kaming applicants sa buong bansa na kumuha ng PMAEE noong August 1989. Isa ako sa kumuha ng exam sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City. 

Sa numerong iyon, nasa isang libo naman ang pasado at pinadalhan ng telegrama para mag-undergo sa susunod na serye ng physical and medical examinations sa AFP Medical Center.

Nasa 350 naman ang quota ng kinukuha na kadete para bumuo sa PMA Class of 1994, kaya mahigpit uli ang labanan pagdating sa AFPMC. 

Para sa akin, dapat ding paghandaan ang Physical & Medical Exams (PME). Syempre, kung ikaw ay handa, mas mataas ang iyong tsansa na mapabilang sa pinag-aagawang quota. 

Sa mga malilikot ang isip,  ito ang tunay na palakasan. Kung ikaw ang nangunguna sa physical at mental abilities, mas priority ka. 

Ipamahagi ko sa inyong mga aplikante ang practical tips sa paghahanda para sa PME:

1. Live a healthy lifestyle. Common sense ano? Well, na-prove ko na yan na palaging uncommon ang dapat ay 'Common Sense'. Ano ang ibig kong sabihin? Drum rolls please. Djaraaaaan! Mag-ehersisyo at mag-diet ka! Una, i-develop ang cardiovascular strength sa pamamagitan ng tamang timpla ng pag-gym at pagtakbo at maging pag-swimming. Remember, dapat mong ipasa ang Physical Fitness Test (PFT). Kung gusto mong malagay sa priority, i-piso (100%) mo yong lahat ng events (running, push-up, sit-up)! Pangalawa, iwanan ang sigarilyo at alak, at lalo na kung tumitikim ka ng droga! Kumain ng masustansyang pagkain. Think of malunggay, isda at prutas. Boloy, kung payatot ka at lampa-lampang hinihingal sa konting lakaran, wag ka nang mag-sayang ng oras na mag-PME sa V-Luna!

2. Be proactive sa health condition.  Kung me extra pera ka na rin lang, magpa-physical exam ka na sa isang pribadong ospital para makita kung may deperensya ka sa katawan. Una, kung treatable ang deperensya, may time ka pang ayusin di ba? Ang halimbawa dito ay ang luslos (Varicocele) at enlarged tonsil na pwede pang i-correct. Kung hindi naman treatable o kaya kailangan muna itong ipahinga ayon sa doctor, dapat ay hindi ka na mag-aksaya ng panahon na pumunta sa Manila para sa PME.  Ang halimbawa rito ay cancer (Dios Mio!), color blindness, o kaya ay sincere disalignment of bones. Ganito kasi yon, kung doon sa AFPMC makikita ang deperensya, tigok ka na lalo na kung makumpleto naman ang quota sa mga aplikanteng perfect ang mental at physical condition!

3. Mental preparation. Isa rin sa mahirap na dinaranas at nakakatigok na portion ng PME ay ang Neuro-psychiatric (NP) tests. Ang haba ng written exams at makulit na pabalik-balik ang mga tanong. Makikita rito ang consistency at kung logical ang iyong kasagutan. Ito yong kahalintulad sa mga sumusunod na tanong at Tagalugin ko na lang. 

     a. May nakikita akong mga bagay na hindi nakikita ng iba. __Yes  __ No.

        b. Naniniwala ako sa mga maligno at engkanto. __Yes  __No.

      c. Pakiramdam ko ay isa akong babae na ikinulong sa katawan ng lalaki. __Yes __No. 

       d. Kapag ako ay galit, sinasampal ko ang sarili kong mukha. __Yes __No.  

Weird ba mga ehemplo ko? Basta tandaan mo, kung ano isagot mo dyan, dapat consistent sa isagot mo sa interview. Sa Q&A portion, wag nerbyoso, mga tao lang din yang mga kausap mo. Minsan, sinusubukan ka pa kung tunay kang lalaki. Halimbawa, isang sexy na Psychologist ang kausap ko noon. Naka-de kwatro sa harap ko at halos lumabas na kaluluwa nya. Parang nanunuyo lalamunan ko at tipong nawawala ang concentration ko. 

Malagkit syang makatingin at ako ay tinanong.

"Sa observations mo ngayon. Ano pakiramdam mo?" 

"Mainit po Maam." 

Lalong nanadya at naka-smile pang hilaw kagaya ni Rosanna Roces.

"At bakit ka naiinitan?"

Simple lang ang sagot ko at base rin naman sa katotohanan.

"Eh kasi naman Maam, ang init ng sikat ng araw at wala tayong aircon!"

Boom panes si Maam Psychologist! Anyway, pumasa ako di ba? Kasi, na-justify ko bakit ako 'nainitan'. Ikaw talaga Maam!

In short, naipasa ko lahat ng pagsubok sa AFPMC at pinalad na mapabilang sa pinaka-astig na PMA "Bantay-laya" Class of 1994.

So, para pumasa ka rin at mapabilang sa kukuhaning kadete, tandaan ang aking mga practical tips kung may time ka!






21 comments:

  1. Marlino Surmines8/08/2014 11:06:00 PM

    Sir Cabunzky, magandang araw ho, tanong ko lang po eh next year ngarud ulit dapat mag take ng PMAEE o pwede pang magtake pagkatapos ng August 3? Medyo matagal kasi nang mabalitaan ko ho na dapat August 30 pera pinaaga lang ito.

    ReplyDelete
  2. bukod sa informative na.. nakakatawa pa. haha! ang kulit niyo po sir. :)

    ReplyDelete
  3. Sino ang masmalaki sahod PMA o SEAMAN?

    ReplyDelete
  4. Pag pumasok ka sa PMA public servant ka kaya mababa ang sahod compare sa pagiging seaman. pero kung nsa puso mo ang magsilbi sa bayan cgrado ako mas gugustuhin mong pumasok sa PMA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. if public servant low wage?e, yun politicians,malaki ganansya,hi ranked officials big ganansya din,sbagay iba ganansya sa wage,..,magsilbi sa bayan,not all by combat,ofw sends us dollar rimitances,up to mga batang palabili,umiilkot negosyo,mga consumers,GNP,it pays 4 our gears n bullets,our wages,..but still IT IS A PRIME BASIC DUTY OF A FILIPINO,TO B SET UP ND ACCUIRE SKILLS TO MAKE HIM A BASIC MARTISL ARTIST.integrating,weapon safety nd handling proficiency,empty hand dis arms nd fihting..manouvers nd tactics,..MUST NOT BE DEPRIVED 2 EVERY FILIPINO.

      Delete
  5. ...military training..karapatan ito ng lahat ng Filpino,.ilapit natin sa kanila,.isulong ang militarisasyon sa sa lahat ng level ng paaralan,..kinder palang may subject na tungkol sa weaponry,,college saanumang kurso o pag kukulot atmanicure,pati graduate studies,tuloy ang militarized studies..walang FILIPINO AND DI DAPAT COMBAT READY.

    ReplyDelete
  6. Sir. pansin ko wala kang sinabi bout sa math ? HAHAHAAH yung coverage ng entrance exam daming math ano pong masasabi mo bout dun kasi dun ako tagilid hehehe. salamat po! godbless

    ReplyDelete
  7. sir pd ba mag army kahit ung left eye ko eh pumipikit pag nasisikatan ng araw?

    ReplyDelete
  8. Sir san pwede po bang gamitin ung application form kahit po nung 2015 pa ito? or latest po dapat ang fillupan ko?

    ReplyDelete
  9. Sir pwede po ba kahit 82 yung GPA ko makakatake ako ng exam?

    ReplyDelete
  10. Tanong ko lng po, maituturing na po bng physical deformities yung sakin, naputol po kasi yung dulo ng middle finger ko sa kanang kamay, pero hanggang kuko lng nman po? Makaka pasok padin pba ako sa PMA? Gusto lng po malaman kasi pangarap kpo talagang makapag aral sa pma, e baka po hindi ako mabigyan ng pagkakataon.

    ReplyDelete
  11. MY COURSE NA PO BANG AIRFORCE KAPAG PO AKO AY NAKAPASA SA ENTRANCE EXAM?

    ReplyDelete
  12. Nakakatawa to pero omoo kinakabahan ako I can say na maipapasa ko ang exam pero sa tingin ko babagsak ako sa mga aktibiting gagawin like push ups, swimming at iba pa �� im freaking frustrated ����
    -SKL
    P's:ABM course ko pero gusto ko mag PMA to grant my parent's wish

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel you bro. Ako nga, kinakabahan sa medical exam eh... baka dahil kulang ako ng ngipin eh di na ko makapasa... Pero yung entrance exam, seems basic lang naman. :)

      Delete
  13. Sakin naman ang problema ko luslos pero hindi naman kagaya ng iba sumasakit ang maselang bahagi nila katunayan nga nyan regular ang gym ko at nakakalaro pako ng basketball at malayuang jogging kong ooperahan naman daw po baka maapektohan at maaring d na mag ka anak. Pero para sakin kaya Kong ang mga physical activities.
    At sana mabigyan ako ng pagkakataon 😁

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akin varicocel��dahil sa pag bubuhat ng mabigat pero kaya ko naman ang physical activities

      Delete
  14. Sakin naman ang problema ko luslos pero hindi naman kagaya ng iba sumasakit ang maselang bahagi nila katunayan nga nyan regular ang gym ko at nakakalaro pako ng basketball at malayuang jogging kong ooperahan naman daw po baka maapektohan at maaring d na mag ka anak. Pero para sakin kaya Kong ang mga physical activities.
    At sana mabigyan ako ng pagkakataon 😁

    ReplyDelete
  15. How about the denture issues; Can I pass the medical even though have a missing tooth and using an artificial, it is not necessary to have an implant service if you
    can't afford the implant fees?

    ReplyDelete
  16. Sir tanong ko lang po,hindi po ba magiging problema ang pagkawala ng dalawang ngipin o hindi kumpletong ngipin sa medical test? Sir sana po sagutin niyo tanong ko para makapaghanda po ako ng maayos. THANK YOU.

    ReplyDelete