Pages

Sunday, August 10, 2014

6 Philippine military-inspired menu that you do not know



Marami ang namamangha paano pinagkakasya ng mga sundalo ang kanilang subsistence allowance na mas kilala bilang S. A. (Subsistence Allowance). 

Kung susumahin namin kasi, kahit sinong genius sa Math ang mag-kwenta ay hindi ito magkasya kung ihambing ito sa kasalukuyang presyohan ng mga bilihin. 

Just imagine, ang daily meal allowance naming mga sundalo ay nagkakahalaga lamang ng P90.00 o P30.00 bawat kainan. 

Kung pupunta ka nga naman kahit sa mumurahing restaurant, alaws na atang makitang pagkain na ang halaga ay P30.00. Baka ganito oorderin mo:

"Isang cup na kanin po,  ulo ng payat na galunggong, libreng sabaw at dalawang kutsarang ketchup please!"

Anyway, para sa mga sundalo, may diskarte kami para mapagkasya iyang aming kapiranggot na mess. Di kami nagrereklamo hangga't kaya naman talaga. Don't say "Huh???". Yes, mapagkasya namin. Ito ay dahil sa tinatawag na consolidated messing na kung saan ay si Mess Sergeant ang dumidiskarte paano makamura sa pagbili ng mga pagkain sa mga suking tindahan at paano naman nya ito paghati-hatiin sa buong 'sambayanan'.

Dahil sa katitipid namin sa aming mess, merong mga kakaibang menu na halos kami lang din nakakaalam ano yon. Read more.

1. Onse (11). Ano yon? Kapag sinabing Numero Onse o Eleven ang ulam, iyon ay isang kapirasong hot dog na may kapares na isang pirasong tuyo. Kitams? 

2. Diyes (10). Bago yan ah. Yes, iyan yong kahalintulad ng isang tuyo at isang pirasong hard-boiled egg. Ipagtabi mo. Kitams? Dies!

3. O-Tin. Hoy, wag green-minded! Ito yong Odong bilang soup at partner ay isang payat na Tinapa. Ipagsama mo ang first syllables ng dalawang ulam, iyon na! Pang breakfast kalimitan ang O-Tin.

4. Pantakbo. Ang labo ba? Ito yong tawag sa ulam na manok kahit ano man ang luto nito. Kapag manok daw kasi ang paulam ni Sarge, malayo ang liliparin! Kung nasa training, malamang 20 kilometro ang abutin sa jogging. Samantala, kung nasa field duty ay malamang merong 2-week long patrol. Kapag manok ang ulam, nagdududa na agad ang mga tropa sa plano ni C.O.

5. Bicol Express. Generic term ito sa mga ginataan ni Sarge kagaya ng langka at kalabasa. Binubudburan nya ito ng siling labuyo para molten lava ng Mt. Mayon ang init na maramdaman. Masiram? No, maharang!  

6. Pa-tsam. Ito yong kung anu-anong hitsurang dahon na napupulot ng mga Ilokanong sundalo sa gubat at nilalagyan ng sardinas at sinasabawan. Minsan pako, gabi, alukbati at marami pang ibang tila ay pagkain ng alagang hayop. Masarap din at napakagaan sa bulsa! Savings din sa Mess yong Pa-tsam na menu di ba?

(Note: Yong savings namin sa Mess, hidden secret namin iyon sa aming mga misis!)



14 comments:

  1. I like the PA-TSAM menu..hahaha
    Masuwerte garud Sir kung may Ilokano sa tropa kasi makakatipid kayo ng sobra...Hahahaha
    Gudluck po sa budgeting niyo...Hehehehe

    ReplyDelete
  2. Wen, Manang! Iyan ang rason dapat me Ilokano sa bawat team ng sundalo. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahaha!
      Tama ka jan Sir...
      Naaalala ko pa noong bata pa ako, isinasama kami ng magulang ko makigapas...Sa daan namin pauwi, napapatigil ang madir ko...Yun pala namimitas siya ng parang baging sa may gilid ng daanan naming...Nauulam daw yun, maasim-asim daw..Nakalimutan ko na ang pangalan..Tapos nangunguha din siya ng talbos ng isang punong-kahoy...Nauulam din daw yun, para daw saluyot, madulas-dulas..Totoo nga, masarap po talaga lalo na kapag may sahog na sardinas...hahaha!
      Kaya Sir, congrats po kung may Ilokano sa tropa mo kasi marami silang alam na ulam na PA-TSAM na dinengdeng...At least, healthy yun Sir...Hihihi!
      Ang mga Ilokano po kasi, kahit solong talong, o solong ampalayang bunga, o kaya naman ay solong bunga ng sili na berde, pati na rin solong dahon ng saluyot, nagagawang pinakbet... Natutunan ko din yan sa nanang ko, ang mag-pakbet ng solong gulay...Kaya hindi po kayo magugutom kapag may Ilokano kayong kasama sa tropa Sir, magaling silang magremedyo ng maiuulam, kahit anong dahon2 sa bundok, kaya magtatagal ang budget niyo...hehehe!

      Delete
  3. Kawawa naman ang ating sundalo kung ikukumpara sa kinakain at binubulsa ng mga congressman, senador at presidente ng Pilipinas nantuwing nagrereklamu at nagpoprotesta ang sambayanan pinagtatanggol pa ng ating mga sundalo at pulis itong mga kurakot na mga pulitiko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagdarasal din po kami na hindi na mauulit ang matinding nakawan sa kaban ng bayan kagaya ng istorya ng PDAF na ginawa allegedly na ghost projects ni Napoles at ng mga kasapakat nya na nasa kapangyarihan. Sayang ang daang milyon na mga pera. Sayang.

      Delete
  4. Kakaiba po talaga ang mga sundalong Pinoy, napakamatiisin at maparaan, sa halip na magreklamo.

    Of note, sa ibang bansa nga lalo na Western Countries, meron na silang MRE sa field at may wet ration pa sa kampo na maituturing naman na "sustaining meal" subalit datapuwa't pero, nagrereklamo pa ang mga iyon. Compare mo iyon s 90php a day ng mga butihing kawal ng bansa natin, eh malamang mag-QUIT na sila, he he he.

    Saludo po ako sa mga sundalo ng ating bansa na kagaya nyo, sir. Kung mgkaroon man ng gyera at kailanganing lumaban, ipinagmamalaki ko na lumaban side by side (even mamatay, pero wag naman sana) sa mga sundalong kagaya nyo sir. Tinitingala ko po kayo! Mabuhay ang sundalong Pilipino!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes that's true. They do have MRE's but still they complain a lot. (M.Ruse)

      Delete
  5. Pero bakit po andaming sundalo nasa posisyon na mayaman? kawawa yung mga nasa baba ng pyramid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If I will follow your logic, I will not endeavor to find extra income to sustain my family. Bakit, wala na ba kaming karapatan na mag-negosyo at magkaroon ng marangal na pagkakitaan sa marangal na paraan? Kung sundin namin ang linya ng iyong pag-iisip, maghihirap lalo ang bansang Pilipinas dahil dapat maging mahirap na lang tayong lahat para hindi mataguriang kurap.

      Hindi po lahat ng mayaman na nasa gobyerno ay kurap. Financial Literacy 101 lang po. Magsumikap tayo. Kaya nating umangat sa buhay na hindi magnanakaw sa kaban ng bayan. Gising kabayan.

      Delete
    2. Sabagay po tama po kayo.. salamat po.. ;-)

      Delete
  6. I am married to an american soldier but my tatay served the PHILIPPINE ARMY for 20 years before he got killed in action last 2003 in indanan sulu. I'm so proud and salute all filipino soldiers. I always shed tears every time i heard the KAWAL ANG TATAY KO song... SALUTE TO ALL OF YOU!

    ReplyDelete
  7. It's is quite disappointing that our very own Filipino soldiers have to bear with that amount of meal allowance knowing that their lives are on the line. How ironic to see SOME politicians whose tables are overflowing with food from the peoples' taxes.
    *menu # 5, i might try it to my students*

    ReplyDelete
  8. Ever resourceful soldiers! Sad but its the reality sa Pinas! Anyways mabuhay po kayo!

    ReplyDelete
  9. Sana po ay mabigyang pansin ni PD30 ang meal allowance niyo..

    ReplyDelete