Bilang isa sa nakaranas sa tunay na buhay mandirigma na nakikidigma sa mga kaaway ng estado, mas pipiliin kong maging parte ng solusyon kasi magdagdag problema sa ating bansa. Panaginip din naming mga sundalo na matapos na ang patayan ng kapwa Pilipino at umunlad nang tuluyan ang Pilipinas. (10SRC Photo)
Napakarami na namang nailathalang istorya tungkol sa kudeta at marapatin kong ipamahagi ang mga factors na maging basehan na ang mga iyon ay hindi makatotohanan:
1. Dalang-dala na ang mga sundalo sa pagsasama sa aktwal na kudeta o sa mga tangka na pataubin ang gobyerno. Hindi mabilang ang nasira ang buhay dahil sa kasasali dito. Ang pinakamasama ay yong namamatay sa madugong kudeta na walang benepisyong natatanggap. Merong nagkakahiwalay ang mag-asawa at nabulabog ang buong pamilya. May isa akong kasama sa Basilan na naging tigabantay na lang ng palaisdaan. May isang Scout Ranger na nag-uuling sa Northern Luzon. Ang iilan sa mga iyon ay naglapit sa akin para magpahanap ng trabaho. Ang pinakamadali nilang mapasukan ay pagiging gwardya. Dating astig na sundalo, naging Security Guard na lang dahil sa kudeta. Dahil nakakausap ko sila at kakilala ko ang pamilya nila, lalong naaawa ako sa kanila. Mapapait ang karanasan ng mga sumali sa mga nakaraang kudeta. Bakit kami magkudeta?
2. Napakarami na ang naisulong na modernisasyon sa AFP na syang nag-angat sa morale ng mga sundalo. Halimbawa, noong ako ay tenyente, wala kaming Combat Life Saver (CLS) Kit. Tinatalian lang namin ng pinunit na damit na may dahon ng bayabas ang sugat ng kasamang natatamaan sa mga bakbakan. Ngayon ay may squad level CLS kit na, may individual issue pa. Kung dati ay pinaglumaang M14 Rifle at M16 Rifle, at may mga M203 40mm ammos na ayaw pumutok ang ginagamit, ngayon ay may mga M4 Carbine Rifles, K3 SAW na. Maliban doon, dahan-dahang bumabalik ang tikas ng Air Force at Navy sa mga bagong kagamitang pakikidigma na nabili. Hindi ko na banggitin ang marami pang ibang aspeto ng modernisasyon at nasisigurado ko ay, 'better than before!'. Mas kampante kasi ang mga sundalo na magtaya ng buhay sa pagsagawa ng misyon kung batid nya na lamang sila sa teknolohiya, kaalaman at sa support systems na naidudulot ng modernization program. Bakit kami magkudeta?
3. Sa kasalukuyang administrasyon, tumaas ang aming sweldo. Dahil dito, kaya na naming matustusan ang pangangailangan ng aming pamilya. Sa totoo lang, kung iwasan lang ang bisyo at planuhin ng mabuti ang pamilya, ang sweldo ng sundalo ay pwede nang pang-sustain sa pamilya. Of course, dagdag na diskarte ng sundalo ang pag-invest, pag-negosyo at pag-aral ng Financial Literacy 101. Di ba't di pa rin magkasya yan kung asal milyonaryo kami? Kahit may nagsabing kulang pa ang aming sweldo, batid naming may magagawa rin kaming paraan para pagkasyahin ito. Bakit kami magkudeta?
4. Nadagdagan ang programang pabahay para sa mga sundalo. Maliban sa on-base housing ng AFP, meron din ang kasalukuyang pamahalaan na programa ng off-base housing na wala noong unang panahon. Napakarami na ng mga sundalo ang nakinabang sa pabahay na ito ng kasalukuyang administrasyon. Batid namin na hindi pa ito tapos at patuloy na isinusulong ng gobyerno para sa kapulisan at kasundaluhan. Bakit kami magkudeta?
5. Wala kaming kinalaman sa away pulitika. Naiinis at nahihimatay man kami sa nakakarimarim na kwentong kurapsyon na nagpapahirap sa bayan, batid namin, lalo na ng mga opisyal na hindi dapat kami makikisawsaw dito bilang mga sundalo. Batid namin ang kahihinatnan kung ang armadong grupo kagaya ng sundalo ay nangingialam sa mga bagay na para lamang sa mga politicians. Batid namin na bilang propesyonal na sundalo ay ang pagsulong pa ng reporma sa AFP, pagsagawa ng aming constitutional mandates ang dapat naming pagkaabalahan. Kung may nagtutunggaliang mga pulitiko, wala kaming pakialam sa away nila. Bakit kami magkudeta?
6. Mas dumadami ang mamamayang nagtitiwala at nakikiisa sa mga sundalo. Matagal din ang masamang epekto ng martial law na kung saan ay marami ang nasaktang mga Pilipino. Kung dati ay nagtatago, nanginginig ang ibang taumbayan lalo na sa mga liblib na lugar tuwing makakakita ng sundalo, ngayon ay hindi na. Nakakataas ng morale ang makasalamuha ang taumbayan na nag-appreciate sa serbisyo ng sundalo. Bakit kami magkudeta?
7. Nakikita rin namin ang pag-unlad ng ekonomiya. Nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas sa kasaysayan na credit rating upgrade na kung saan ang Standard & Poor ang nagbigay sa ating bansa ng Investment Grade status. High-fallutin' (at di maintindihan) man yon para sa karamihan, nakikiisa rin kami sa mas nakararaming taumbayan na gustong umunlad ang ating bansa. Gusto rin naming magdagsaan dito ang mga investors, dadami ang income opportunities at mabawasan ang naghihirap na Pilipino. Gusto rin namin na magsipagbalikan na ang mga OFWs sa panahong andito rin lang sa Pilipinas ang hinahanap nilang kaginhawaan sa buhay para sa kanilang pamilya. Dagdag pa doon, di ba't isa ring dahilan ang kahirapan kung bakit may nauto ng CPP-NPA-NDF na sumapi sa armadong pakikibaka? So, mga kapatid, kung umuunlad ang ating ekonomiya, bakit kami magkudeta? (Para palayasin natin ang mga foreign investors at mga turista at malugmok ang ang ating bansa?)
8. Ayaw namin ng karahasan lalo na sa kapwa Pilipino. Di ba't lagi naming isinusulong ang peaceful resolution of armed conflicts? Fully committed kami sa peace process na isinusulong ng gobyerno dahil batid naming walang magandang naidulot ang patayan ng kapwa Pilipino sa labanan ng kasundaluhan at ng secessionist groups sa Mindanao at maging sa mga miyembro ng bandidong NPA. Kung ayaw namin ng patayan bilang solusyon sa problema, bakit kami magkudeta?
9. Hindi kami susunod sa pang-uudyok at panghihikayat ng mga retiradong opisyal. Sa totoo lang, wala ni isang kwento o ugong na naririnig na may nanghihikayat, nambobola at nang-uudyok na mga retired o kaya former military personnel para kami ay mag-alsa. Kung meron man, ano sila hilo? Halimbawa, ang mga nadadawit sa pangalan sa kasalukuyang rumors ay mga senior officers ng AFP na dati ay nagkukumahog na pigilan ang mga kudeta. I don't think na sila na ngayon ay magsasabing, 'Magkudeta na nga kayo ngayon!". Naniniwala kaming active military personnel na hindi babaliktarin ng mga nirerespeto naming mga retired senior officers ang kanilang pinagsasabi noong araw laban sa kudeta, at yong matindi nilang paalala na lagi kaming mag-observe ng Chain of Command. Maliban pa doon, pinakikinggan ng aming mga pinuno ang aming mga feedbacks. Bakit kami magkudeta? Sar-com (Sariling command) ba kami?
10. Alam namin na pag may magkukudeta, magkakasakitan ang kapwa sundalo. Kung mangyari uli ang kaganapan noong 1989 na nagbabarilan ang kapwa sundalo, magpapalakpakan ang tunay na kalaban ng sambayanang Pilipino: Ang nang-aagaw ng teritoryo natin sa West Philippine Sea at ang mga bandidong NPA na ang tunay na gusto ay ang mga bossing nilang nasa pulitika ang maghahari sa ating bansa. Bakit kami magkudeta?

Sir pinahangga mu ako sa iyong sinabi...SALUDO AKO Sir...tama lahat ang iyong sinasabi...i take notice of what you said about Financial Literacy 101..sana isulong mu ito Sir..malaki ang maitulong nito sa ating mga kasundalohan..and investment in MF with overide insurance..it will greatly help the soldiers when they will be wounded in battle or will pass away..and if they,soldiers,will retire from service for whatever reasons..they will have some capital to invest in whatever business they want...Sir, i am not an agent of any company promoting business..but i am an OFW who also invested my hard earn money in investment...i believed,with your mission to educate the soldiers in investment..coup de tat rumors will a thing in the past....
ReplyDelete